"Dati" lyrics

"Dati"
(feat. Belle Mariano)

Datirati sabay pa nating pinangarap ang lahat
Umaawit pa sa hangin at amoy araw ang balat
Naaalala ko pa non nag-aagawan ng nintendo
Kay sarap namang mabalikan ang ating kwento

Lagi-lagi ka sa amin dumidiretso pag-uwi
Maglalaro ng tao-taong piso-pisong nabili
Umaawit ng theme song na sabay kinabisa
Kay sarap namang mabalikan ang alaala

Ikaw ang kasama buhat noon
Ikaw ang pangarap hanggang ngayon

Di bat ikaw nga yung reyna at ako ang iyong hari
Ako yung prinsesang sagip mo palagi
Ngunit ngayoy marami ng nabago't nangyari
Ngunit di ang pagtingin na gaya pa rin ng
Dararatda dati
Dararatda dati
Dararatda dati
Na gaya pa rin ng...

Datirati ay palaging sabay na mag syesta
At sabay rin gigising alas kwatro y medya
Sabay manunuod ng paboritong programa
O kay tamis naman mabalikan ang alaala

Di bat ikaw nga yung reyna at ako ang iyong hari
Ako yung prinsesang sagip mo palagi
Ngunit ngayoy marami ng nabago't nangyari
Ngunit di ang pagtingin na gaya pa rin ng

Datirati ay naglalaro pa ng bahay-bahayan
Gamit-gamit ang mantel na itinali sa kawayan
At pawang magkakalaban pag nag tataya-tayaan
Pero singtamis ng kendi pag nagkakasal-kasalan
Diba dati ay nagkukunwaring Marvin at Jolina
Minsan ay tambalang Mylene at Bojo Molina
Ang sarap sigurong balikan ng mga alaala
Lalo na't kung magkayap mga bata't magkasama at

Parang Julio at Julia lagi tayong magkasama
Sabay tayong umiiyak pag inaapi si Sarah
Una kang kinakatok sa pagsapit ng umaga
Sana mabalik pa natin ating pagsasama

Di bat ikaw nga yung reyna at ako ang iyong hari
Ako yung prinsesang sagip mo palagi
Ngunit ngayo'y malayo ka't malabong mangyari
Ang aking pagtingin
Oh ibulong nalang sa hangin
Pangarap na lang din (pangarap na lang din)
Na gaya pa rin ng...

Dararatda dati
Dararatda dati
Dararatda dati
Na gaya pa rin

Dararatda dati
Dararatda dati
Dararatda dati
Na gaya pa rin ng...

Ng dati


You May Also Like
Jayda - "Lumimot Sa'yo" Hindi na umaasa na babalik ka pa Kailangan ng limutin ang mga alalala Unti unting tumila ang ulan at mga luha Muli nakong humihinga, ngunit hapdi nandito pa Paano bang hindi na lumingon sa ating...
James Reid - "Huwag Ka Nang Humirit" Doo-root, doo-root, doo (Oh-oh, yeah) Doo-root, doo-root, doo Handa ka na ba maging aking sinisinta? Pasensya ka na parang trip ko ngayong ibigin ka 'Wag kang mag-alala, hindi naman ako manloloko...
Jeremy G & Kyle Echarri - "Kahit Na Masungit" Pwede bang malaman bakit ba Bigla na lang naiinis kita 'Di ko na mahulaan pa May nagawa bang mali sinta 'Di mo ba napagisipan na Liligaya nang maigi pa Kung tuturuan mo 'ko pa'no ba Mapapatawa't...
Ysabelle Cuevas - "Permission To Dance" It's the thought of being young When your heart's just like a drum Beating louder with no way to guard it When it all seems like it's wrong Just sing along to Elton John And to that feeling, we're...
Alex Gonzaga - "Please Lang" Please lang Naaalala ko pa ang bilin sa akin ni lola Laging sundin at pakamahalin Ang utos nila ay wag suwayin Pero ang tumatak tatak tatak tak Ang payo ni mama't ni papa Mag-aral mabuti maging...