"Maskara" lyrics

"Maskara"

Iba't ibang anino, pare-parehas ang anyo
Sari-saring kwartong bubukod sa isipan mo
Nasimot na ang yago, hanggang kailan ka yuyukdo?
Mula sa matakip-silim na maskarang ginamit mo, mm, oh

Magdiriwang sa silid nakapikit, nakakubling magsasayaw
Wala ka nang matatanaw, bawat padyak hatid ay ligaw

Lingid sa'yong mga mata, madilim o maliwanag
Balat kayo magkaila, wala namang pinagkaiba
Balutin ang iyong diwa, hayaan mo silang magtaka
Kapag hindi nahalata, suot muli ang maskara

Tumatalukbong sa pekeng anyong
Mistulang pagong, ang sarili kulong
Halong sagot at tanong ang bulong
Ng taong puti o itim ang barong
Magsusuot ng maskara, karamihan sa kanila
Hahamakin ang isa't isa animo'y anino
Magsusuot ng maskara, karamihan sa kanila
Hahamakin ang isa't isa animo'y anino niyang
Nagdarasal, nangungumpisal, magandang asal, gawaing moral
Silang maraming daldal, mga hinalal oh, mga hangal

Nagbubulag-bulagan sa taimtim na buwan
Mga bula-bulaan nagsama sa isang dula
Wala ka nang magagawa, mabubura ang maskara

Lingid sa'yong mga mata, madilim o maliwanag
Balat kayo magkaila, wala namang pinagkaiba
Balutin ang iyong diwa, hayaan mo silang magtaka
Kapag hindi nahalata, suot muli ang maskara
Lingid sa'yong mga mata, madilim o maliwanag
Balat kayo magkaila, wala namang pinagkaiba
Balutin ang iyong diwa, hayaan mo silang magtaka
Kapag hindi nahalata, suot muli ang maskara


Writer(s): Johnvie Delarosa Viloria, Leonard Obero
You May Also Like
SunKissed Lola - "White Toyota" White Toyota And an Iota Of travel plans we need to fill I called Mona Her full name's Ramona To give us all at least a thrill When I see the sun setting When our bodies done getting Tired of all the...
Kyle Zagado - "Wish Ko" Kung ang araw ay nagkulang Para lang na maliwanagan Ang isip mo na mistulang May lilim na humaharang Ay di ako papayag na Sayo akoy magkulang Bawat sandali ikaw ang Lagi kong pagtutuunan Ng pansin...
Syd Hartha & Brian Lotho - "pakay" 'Di mo lang alam Na 'di ko lang nakita At naunawaan Ang tunay na pakay mo Sabi mo lang "Magkakatuwaan" Dalang dala Sa dala mong salita Ano bang alam ko Sa buhay na ganito? Ano bang alam ko Sa edad...
Better Days - "Kahit Ano" Pare kumusta na? Ang tagal natin di nagkita Ano na bang balita sa iyo? Sa iyo Mukha mo'y di maipinta Iniwan ka na ba niya? Sabi ko naman sa'yo Siya'y pansamantala Kahit anong problema Kahit anong...
Kenaniah - "Sana Walang Magbago" Meron akong sasabihin Aking pinaghandaan 'Di mapakali aking isip at Medyo kinakabahan 'Di mo alam Ikaw ang laging nasa isip 'Di mo alam Na ikaw Pa'no kung aking sabihin Baka di mo na'ko pansinin...