"Di Na" lyrics

"Di Na"

Akala ko mas madali
Na kalimutan ang lahat at magkunwari
Na ito ang gusto ko ang lumayo na lang sa 'yo
Ngunit ang katotohanan ay ikaw ang nais
Na makasama
Ngunit 'di maikakaila
Na nasasaktan kita
Oh, tama na
'Di ko kakayanin, sana'y patawarin

Dahil hindi na tayo
'Di na tayo
Babalik sa dati
Isuko na natin
'Di na babalik sa 'ting dati

Kasalanan bang
Sumuko 'pag hindi na sigurado sa dapat gawin
Nakakatakot lang isipin
Pa'no kung sa dulo ay magsisi
Habangbuhay kong bibitbitin
Pa'no kung kaya pa palang ipaglaban
'Di kaya mali palang ika'y binitawan
Pasensya na
Hindi ko kaya na
Paulit-ulit, ayoko nang ipilit

Dahil hindi na tayo
'Di na tayo
Babalik sa dati
Isuko na natin
'Di na babalik

Ohh
Mahal kita pero tama na
Ohh yeah...
Mahal kita pero ayoko na

Dahil hindi na tayo
'Di na tayo
Babalik sa dati
Isuko na natin
'Di na...


Writer(s): Earl Agustin
You May Also Like
Amiel Sol - "Tahimik Na Buhay Kapiling Ka" Pagbukas ng pinto Nakaabang ang bisig ko Para sa 'yo, alam ko Na napagod ka sa araw mo Kwentuhan mo ako Habang tayo'y naghuhugas ng plato Ako eto ang araw ko Buong araw nakaabang sa 'yo Sa pag-uwi...
Kiyo - "Eba" Yeah, uh Eba sakay na sa kalesa Gawa ng mga kwentong panghabang buhay Hindi lamang pang-era 'Pag kasama parang perya 'Pag wala ka 'lang eksena Ikaw gustong makasama magpahanggang mag sitenta Turing...
Sugarcane - "Gabi" Unang tingin pa lang sa 'yong mga mata Kumikinang na't sa'kin ay nakatingin Ako'y tinawag, sabi'y lapit ka sa'kin Hindi ako nakailing sa'yo Dumating na ang gabi Inalis mo ang dilim Sa paglisan ng...
Eraserheads - "Ang Huling El Bimbo" Kamukha mo si Paraluman Nung tayo ay bata pa At ang galing-galing mong sumayaw Mapa-boogie man o cha-cha Ngunit ang paborito Ay pagsayaw mo nang El Bimbo Nakakaindak, nakakaaliw Nakakatindig...
Ben & Ben - "Masyado Pang Maaga" Bakit ba ang hirap-hirap Magsabi ng deretsahan Di pagkakaunawaan Pwede sanang pag-usapan Tahan, pwede pa bang malaman Laman ng 'yong isipan? Para walang maling akala Parang kay bilis ng'yong...