"Ang Huling El Bimbo" lyrics

"Ang Huling El Bimbo"

Kamukha mo si Paraluman
Nung tayo ay bata pa
At ang galing-galing mong sumayaw
Mapa-boogie man o cha-cha
Ngunit ang paborito
Ay pagsayaw mo nang El Bimbo
Nakakaindak, nakakaaliw
Nakakatindig balahibo

Pagka-galing sa eskwela ay dideretso na sa inyo
At buong maghapon ay tinuturuan mo ako

Magkahawak ang ating kamay
At walang kamalay-malay
Na tinuruan mo ang puso ko
Na umibig ng tunay

Naninigas ang aking katawan
'Pag umikot na ang plaka
Patay sa kembot ng beywang mo
At pungay ng 'yong mga mata
Lumiliwanag ang buhay
Habang tayo'y magkaakbay
At dahan-dahang dumudulas ang kamay ko
Sa makinis mong braso, ooh

Sana noon pa man ay sinabi na sa iyo
Kahit hindi na uso ay ito lang ang alam ko

Magkahawak ang ating kamay
At walang kamalay-malay
Na tinuruan mo ang puso ko
Na umibig ng tunay

La-la-la-la, la-la, la-la, la-la-la

Lumipas ang maraming taon
'Di na tayo nagkita
Balita ko'y may anak ka na
Ngunit walang asawa
Tagahugas ka raw ng pinggan sa may Ermita
At isang gabi, nasagasaan
Sa isang madilim na eskenita

Lahat ng pangarap ko'y bigla lang natunaw
Sa panaginip na lang pala kita maisasayaw

Magkahawak ang ating kamay
At walang kamalay-malay
Na tinuruan mo ang puso ko
Na umibig ng tunay
Magkahawak ang ating kamay
At walang kamalay-malay
Na tinuruan mo ang puso ko
Na umibig ng tunay

La-la-la-la, la-la, la-la, la-la-la
La-la-la-la, la-la, la-la, la-la-la


Writer(s): Ely Eleandre Buendia
It is the only Tagalog song included in the band's international compilation album, "Aloha Milkyway" (1998).
The song's music video won the "International Viewer's Choice Awards for Asia" at the 1997 MTV Video Music Awards.
You May Also Like
Lo ki - "Munting Paraiso" Lagi ka na lang tumatakbo sa isip Gusto kang makasama hanggang panaginip Sumama ka halika na Dadalhin kita sa munti kong paraiso Tayo ay maglakbay habang tayo ay magkahawak ng kamay 'Di mapalagay...
Rey Valera - "Naaalala Ka" Kay sarap ng may minamahal Ang daigdig ay may kulay at buhay At kahit na may pagkukulang ka Isang halik mo lang limot ko na Kay sarap ng may minamahal Asahan mong pag-ibig ko'y tunay Ang nais ko'y...
Ogie Alcasid & Regine Velasquez - "Hanggang Ngayon" Bakit di magawang limutin ka Bawat sandali'y ika'y naaalala Tangi kong dasal sa Maykapal Makapiling kang muli Bakit di ko maalis sa isip ko Ikaw ang laging laman nitong puso ko Kahit pilitin kong...
Piolo Pascual & Sarah Geronimo - "Paano Ba Ang Magmahal" Heto na naman ako Nag-aabang ng bago sa istorya ko Paulit-ulit na lang Paulit-ulit na lang Heto na naman ako Tinitignan sa'n nagkamali ang puso ko Parang walang katapusan Walang katapusan Kahit...
Parokya Ni Edgar - "Wag Mo Na Sana" Naiinis na ako sa iyo Bakit mo ba ako ginaganito Ikaw ba ay naguguluhan Sa 'king tunay na nararamdaman Sa iyo Ano pa bang dapat na gawin pa Sa 'king pananamit at pananalita Upang iyong mapagbigyang...