"Tapos Na" lyrics
"Tapos Na"
Tapos na, mahal ko
Hininto ko na'ng hakbang patungo sa'yo
Biglang napagtanto ko na
May pinatunguhan ang panalangin ko
Kasi hinawakaan mo ang kamay ko
Pawang kabulaanan no'ng
Pinaniwalaan kong kalawakan ang ating agwat
Pagbukas ng puso mo'y tumugma, sa akin natapat
Hininto ko na ang baka-sakaling
Nalagpasan ako ng tadhana
'Di ako makapaniwalang
"Oo," ang iyong desisyon
Mali ang inakala kong kwento
Na ika'y hanggang imahinasyon
Bago pa maipinta ang tayo
Ika'y isang dilag na humahabol sa pangarap
Kaya minarapat kong bilisan din ang takbo
Gusto kong masabayan ka sa mithiin mo
Mga panghuhusga nila'y 'di hahayaang ibato
Ako raw ay isang 'di hamak na panakip-butas mo, oh-ooh
Kaya pinag-uugnay ko ang kalawakan na ating agwat
Pagbukas ng puso mo'y tumugma, sa akin natapat
Hininto ko na ang baka-sakaling
Nalagpasan ako ng tadhana
'Di ako makapaniwalang
"Oo," ang iyong desisyon
Mali ang inakala kong kwento
Na ika'y hanggang imahinasyon
Nagniningning ang mga mata ko
No'ng binigkas mo ang, "Mahal ko"
Teka, may karugtong pala
Tumingin ka sa sahig at binanggit
"Mahal ko pa rin siya, sinubukan ko naman ang mahalin ka"
Pinilit lamang ang eksenang tayo, ang iksi ng tayo
Kasi tama pala ang kwento
Na ika'y hanggang imahinasyon
Mali ang inakala kong
"Oo," ang iyong desisyon
'Di ako makapaniwalang
Nalagpasan ako ng tadhana (tadhana)
Hihinto na lang ako, sinta (sinta, sinta, sinta)
Pawang kabulaanan no'ng hinawakan mo ang kamay ko
May pinatunguhan ang panalangin ko
Kasi biglang napagtanto ko na
Hihinto ko na'ng hakbang patungo sa'yo
Mahal ko, tapos na
Writer(s): Abigail Seblos
- AZLyrics
- E
- Earl Agustin Lyrics
You May Also Like
Moonstar88 - "NEXT WEEK" Isang taon, tatlong buwan
At apat na oras
Dati binibilang
Ngayon nagpapaalam
Anong dahilan, di ko alam
Kung kakayanin
Konting hiling
Kahit masikip sa damdamin
Uy, pwede bang next week na lang
Para...
mrld - "Maligayang Pagkunwari" Mahal kita 'wag kang magbago
Sabihin ang lahat wag kang magtago
Ng kahit pa ano ano ang sekreto
Mahal kita pangakong 'di ako mabibigla
Pero pa'no kung hindi ko kayang ilahad
Ang mga salitang...
Amiel Sol - "Soup" Pero kailan ba tayo magkikita ulit?
Bakit kaya 'pag hawak ang 'yong kamay
Ang oras kay bilis, 'di mapalagay
Iba ba talaga ang takbo ng araw
'Pag ikaw ang aking kaharap?
Ngunit ano 'tong nadarama...
Sugarcane - "Aking Maria Clara" Hayaang alalayan
Papunta sa lugar kung saan
Ikaw at ako ang tanging gaganap
Na bida ng may akda
Hiya'y nawala
Nang mahagkan
At biglang natanong sa'king sarili kung...
Oh, nararapat ba ako?
Oh bakit...
Bandang Lapis - "Pagbilang Ng Tatlo" Huling bigkas ng iyong mga sinabi
Ang sabi mo ayaw mo na at tama na
Wala akong magagawa kundi lumuha
At tanggapin ang lahat ng katotohanan na wala ka na
Isisigaw ko na lang sa langit
Iiiyak ko na...