"Soup" lyrics

"Soup"

Pero kailan ba tayo magkikita ulit?

Bakit kaya 'pag hawak ang 'yong kamay
Ang oras kay bilis, 'di mapalagay
Iba ba talaga ang takbo ng araw
'Pag ikaw ang aking kaharap?

Ngunit ano 'tong nadarama
'Pag 'di kita kasama?

Ang tagal ng oras 'pag hindi ka kapiling
Hanggang kailan pa ba maghihintay
Hanggang ika'y makatabi sa gitna ng ulan? (Ulan, ulan)
Kahit na tayo'y magkasakit, ikaw ay aalagaan
At bibigyan kita ng mainit na sabaw

Pauwi na naman galing sa inyo
Nagtataka na tila ang araw ay dumaan sa ilang minuto
Ganito ba talaga 'pag kasama ka?
'Di mapigilang mag-alab ang tindi ng pagsinta

Ngunit ano 'tong nadarama
'Pag 'di kita kasama?

Ang tagal ng oras 'pag hindi ka kapiling
Hanggang kailan pa ba maghihintay
Hanggang ika'y makatabi sa gitna ng ulan? (Ulan, ulan)
Kahit na tayo'y magkasakit, ikaw ay aalagaan
At bibigyan kita ng mainit na sabaw

Na may halong pagmamahal
Ako na ang bahala
'Di bale nang mahawa
Basta't ikaw ay kayakap sa gabi

Hanggang pagsikat ng araw
At sa paggising, ako'y nasa 'yong tabi
Sa wakas, sa wakas
Sa wakas, ako'y nasa 'yong tabi

Sige, bukas ulit, ha


Writer(s): Amiel Sol
You May Also Like
Maki - "Para Sa Buwan" Araw-araw kitang iniisip 'Di ka ba nadadapa? Lumalim na ang kalumata sa'king mga mata 'Di mo ba nahahalata? Oh, kapag ika'y nagdududa Ang aking puso'y nalulula Sa rami ng iyong iniisip Na hindi...
Cup Of Joe - "Silakbo" Magpapalunod ba sa dilim O titingin sa mga bituin Tutulugan ang gabi O ito'y aangkinin Ipapabukas ko na lang ba ulit Siya na lang bang magdidikta Ng aking pulso at paghinga 'Di alam ang gagawin Gulo...
Unique Salonga - "Huwag Ka Sanang Magagalit" Hindi naman sa 'di pinapansin Maayos mong pagsuyo sa akin Hindi naman sa 'di pinapansin Mga tanong na dapat sagutin Lagi lang tal'gang nababalisa Lagi lang tal'ga akong nahihiya Tuwing magsisimula...
Adie - "Hoy!" Kailangan bang aminin pa Kung kita naman sa 'king Ginagawa ang ibig kong sabihin Halata naman sa titig ko Ang aking pagtingin Para sa 'yo 'di mo pa rin napagtatanto Eh, ewan ko ba sa iyo Paulit-ulit...
Better Days - "Hilom" Makikiusap ulit ngayon Kahit alam ko na rin ang sagot Maibabalik pa ba ang kahapon Ikaw lang ang makakasagot Aalisin lahat ng galit Walang ititirang sama ng loob Ibabalik natin ang dati Hanggang sa...