"Bampira" lyrics

"Bampira"

Ang saya kung bampira lang tayo
Nang habambuhay, ika'y kasama ko
Tulad ng pag-ibig ko sa'yo
Walang kamatayan kung ihahatid sa'yo

Lalakbayin natin ang mundo
Pati ibang planeta kung mabitin man tayo
Papaslangin ang mga kaaway mo
Sa tuwing mangailangan ka
Ng kakainin mong dugo

'Di man kayanin ang araw
Ikaw naman liwanag ko
Kung kalabanin ng mundo
Ako naman kasama mo
Ako'y susulat tungkol sa'yo
Mula sa paghinga
Hanggang sa pagtulog mo
Ang saya sana kung bampira lang tayo

Magsawa man sa itsura ko
Huwag naman sana, ito lang ang kaya ko
Biro lang, alam mo naman ako
Minsan maingay lang talaga ang isip ko
Woh, oh oh
Woh, oh oh, oh, oh

'Di man kayanin ang araw
Ikaw naman liwanag ko
Kung kalabanin ng mundo
Ako naman kasama mo
Ako'y susulat tungkol sa'yo
Mula sa paghinga
Hanggang sa pagtulog mo
Ang saya sana

Kung wala nang dulong matatanaw
Kahit sa'n man magtungo
Lalayasan ang mundo
Kung isahan nila tayo
Ikaw lang aawitan ko
Kahit pa tumanda't
Mawala na ang boses ko
Ang saya sana kung bampira lang tayo

Kung bampira lang tayo
Kung bampira lang tayo, woh oh oh, oh

Ang dami pang gustong sabihin sa'yo
'Di lang sapat ang buhay kong ito
Kaya ang saya kung bampira lang tayo
Nang 'di matapos ang kwento nating 'to


album: "kung tayo'y nasa isang horror na pelikula, tiyak ako ang una mong papatayin" (2026)
fitterkarma - kung tayo'y nasa isang horror na pelikula, tiyak ako ang una mong papatayin album cover
kung tayo'y nasa isang horror na pelikula, tiyak ako ang una mong papatayin
(Instrumental)
You May Also Like
Parokya Ni Edgar - "Para Sayo" Lumayo kana sa akin Wag mo kong kausapin Parang awa mo na Wag kang magpapaakit sakin Ayoko lang masaktan ka Malakas akong mambola Hindi ako santo Pero para sayo Ako'y magbabago Kahit mahirap...
Amiel Sol - "Pakikinggan Kita" Sasanayin na lang ang sarili Na sarilihin na lang ang lahat 'Yan ang pangako mo sa sarili Ngunit kasama mo na 'ko sa lahat Huwag mong isiping ika'y mag-isa Sa akin mo lang ipasa Ang bawat pabigat sa...
JRoa - "Larawan" Tanging larawan, tanging larawan, tanging larawan mo Tanging larawan, tanging larawan, tanging larawan mo Tanging alaala mo na lamang bang tanging hawak ko At ang mga matatamis na yakap at halik sa...
Siakol - "Tropa" Kwentuhan na kabulastugan Hindi malilimutan ang asaran Na mayroong pikunan Lalo na rin ang unang niligawan Unang kabiguan At dyan nagseseryoso ang usapan Ang pagdadamayan Nang tunay at tapat na...
Soapdish - "Tensionado" Tensionado Nagulat din ako nung malaman Na hindi lang pala ako yung nanghinayang Nung nag away tayo nu'n At natuluyan sa iyakan at tampo At sandali lang Huwag ka munang magsalita 'Di ko hahayaan...