"Masdan Mo Ang Kapaligiran" lyrics
"Masdan Mo Ang Kapaligiran"
Wala ka bang napapansin
Sa iyong mga kapaligiran
'Kay dumi na ng hangin
Pati na ang mga ilog natin
Hindi na masama ang pag-unlad
At malayu-layo na rin ang ating narating
Ngunit masdan mo ang tubig sa dagat
Dati'y kulay asul ngayo'y naging itim
Ang mga duming ating ikinalat sa hangin
Sa langit 'wag na nating paabutin
Upang kung tayo'y pumanaw man
Sariwang hangin sa langit natin matitikman
Mayro'n lang akong hinihiling
Sa aking pagpanaw sana ay tag-ulan
Gitara ko ay aking dadalhin
Upang sa ulap na lang tayo magkantahan
Ang mga batang ngayon lang isinilang
May hangin pa kayang matitikman
May mga puno pa kaya silang aakyatin
May mga ilog pa kayang lalanguyan
Bakit 'di natin pag-isipan
Ang nangyayari sa ating kapaligiran
Hindi nga masama ang pag-unlad
Kung hindi nakakasira ng kalikasan
Darating ang panahon
Mga ibong gala ay wala nang madadapuan
Masdan mo ang mga punong dati ay kay tatag
Ngayo'y namamatay dahil sa 'ting kalokohan
Lahat ng bagay na narito sa lupa
Biyayang galing sa Diyos kahit noong ika'y wala pa
Ingatan natin at 'wag nang sirain pa
'Pagkat 'pag kanyang binawi tayo'y mawawala na
Mayro'n lang akong hinihiling
Sa aking pagpanaw sana ay tag-ulan
Gitara ko ay aking dadalhin
Upang sa ulap na lang tayo magkantahan
Gitara ko ay aking dadalhin
Upang sa ulap na lang tayo magkantahan
- AZLyrics
- F
- Freddie Aguilar Lyrics
album:
"Pagbabalik Himig" (2009)
You May Also Like
Florante - "Ako'y Pinoy" Ako'y isang Pinoy sa puso't diwa
Pinoy na isinilang sa ating bansa
Ako'y hindi sanay sa wikang mga banyaga
Ako'y Pinoy na mayroong sariling wika
Wikang pambansa ang gamit kong salita
Bayan kong...
Hotdog - "Beh, Buti Nga" Noong nililigawan pa kita
Hindi mo ako pinapansin
Ang gusto mo'y taga La Salle
Wala kang time sa akin
Ang sabi mo pa nga
How cheap naman, naku, you're so baduy
Ang puso ko'y dinurog mo, ang puso ko'y...
Asin - "Pagbabalik" Sa gitna ng dilim
Ako ay nakatanaw
Ng ilaw na kay panglaw
Halos 'di ko makita
Tulungan mo ako
Ituro ang daan
Sapagkat ako'y sabik
Sa aking pinagmulan
Bayan ko, nahan ka
Ako ngayo'y nag-iisa
Nais...
Sarah Geronimo - "Rain" Rain gently falls whenever
We say goodnight
Falling like when your out of sight
Rain follows me even in my bed
And rain is the tears that I shed
There'll be no sunshine in my life
Until you say your...
Sampaguita - "Sa Diyos Lamang" Magmula ng makilala kita, sinta
Puso ko'y nagbago
Isip ko ay naiba
Dati-rati, pag-ibig ay laruan lamang
Ngayon ay hindi na
Kasing-tigas ng bato ang puso ko
Bakit kaya? O, bakit kaya
Nangyayari...