"BLGBGN" lyrics
"BLGBGN"
(feat. Abaddon)
Gising na pare ko, anong oras na
Madami ka pang dapat unahin kesa mahiga
Huwag mong masyadong isipin lalo kang mapapraning
Gawin mo'ng mga gusto mong gawin (whooo, let's go)
Sige kanta kahit ika'y sintunado
Banat lang kahit na medyo delikado
Huwag kang mag-hintay ng tamang panahon
Itagay mo ng itagay, baka walang alak do'n
Huwag kang matakot na magmahal at masaktan
Isang beses lang ang buhay, wala nang balikan
'Pag pinasahan kita, tol huwag kang mag-papass
Hithitin mo tapos ibuga mo pataas
Abutin mo ang ulap
Languyin mo ang dagat
Bumiyahe na walang patutunguhan
Tara, simulan mong lumakad
Balagbagin mo ang yo'ng istorya
Tindihan ang babauning ala-ala
Para 'pag kasama mo na, mga tropa mong nauna sa'yo
Ikaw ang may pinaka-solid na kwento
Tingalain mga tala (tingalain)
Tanawin ang mga ulap sa himpapawid
Iwas sa maling akala (at lasapin)
Walang maiiwanan lahat ay ihahatid
Sige sama ka lang, sa buhay 'di ka dapat nag-aalangan
'Pano natin ito mapag-aalaman kung hindi mo gagawin o babalatan
Subok lang ng subok kahit matusok, tibo sa'yong paanan
(Sa bawat yapak alam mo na)
Papalagan hamon ng mundo, kahit pa iniwan ka ng syota mo
Ika'y gulong-gulo, (say what?)
Kasi sabi niya'y problema mukha mo
Abutin mo ang ulap
Languyin mo ang dagat
Bumiyahe na walang patutunguhan
Tara, simulan mong lumakad
Balagbagin mo ang yo'ng istorya
Tindihan ang babauning ala-ala
Para 'pag kasama mo na, mga tropa mong nauna sa'yo
Ikaw ang may pinaka-solid na kwento
Lumangoy sa Balabac
Tumakbo sa Patapat tapos
Manapak sa labas ng maangas
Mang-hablot ng alahas (takbo)
Tumulay sa matalas
Mag-mahal kahit malas, bakas lang bro
Kagatin ang mansanas
Lasapin, tuklawin man ng ahas sa noo
Pare hawak mo ang manibela
Manalo, matalo wala nang kwenta
Isipin mo parang pelikula, ikaw ang bida
Lupitan mo ang ganapan kada eksena
Wala nito sa eskwela (wala)
'Di rin ito binebenta, 'di pwedeng marenta
Mag-ipon ng mga dalaw, balang araw 'pag pumanaw
'Di manakaw, umaapaw at the best ka
Abutin mo ang ulap (Abutin mo ang ulap)
Languyin mo ang dagat
Bumiyahe na walang patutunguhan
Tara, simulan mong lumakad
Balagbagin mo ang yo'ng istorya
Tindihan ang babauning ala-ala
Para 'pag kasama mo na, mga tropa mong nauna sa'yo
Ikaw ang may pinaka-solid na kwento
Pinaka-solid na kwento
- AZLyrics
- G
- Gloc-9 Lyrics
You May Also Like
Imago - "Ewan" Ewan
'Di ko alam kung bakit ka ganyan
Mahirap kausapin at 'di pa namamansin
'Di mo ba alam ako'y nasasaktan
Ngunit 'di bale na basta't malaman mo na
Mahal kita, mahal kita
Hindi 'to bola
Ngumiti ka...
Bamboo - "Masaya" Ako'y malungkot nanaman
Amoy chico na ako
Ilang tagay na hindi pa rin tulog
Tanong ko lang sa langit
Kung bakit pumangit
Nung dating masaya
Ngayo'y panay problemang
Bumabalot sa buto
Bakit ganito...
Siakol - "Tropa" Kwentuhan na kabulastugan
Hindi malilimutan ang asaran
Na mayroong pikunan
Lalo na rin ang unang niligawan
Unang kabiguan
At dyan nagseseryoso ang usapan
Ang pagdadamayan
Nang tunay at tapat na...
Cueshe - "Lupit" Hanggang kailan mananatili sa isipan
Ang pag-ibig kong walang hanggan
Ina-aliw sa toma ang kasiyahan
Wala namang napapala
At ngayon kumakapa sa dilim at hinahanap ka Ohh...oahh...pag-ibig kay lupit...
Shanti Dope - "Materyal" Ibibigay sa'yo lahat ng gusto mo
Karangyaan, kayamanan na pwede mong hawakan
Dito sa ibabaw ng mundo
Sabi ng mapagsamantalang damdaming pansamantala
Na ako nga daw ay hangal dahil sa pagmamahal
Na di...