"Materyal" lyrics

"Materyal"

Ibibigay sa'yo lahat ng gusto mo
Karangyaan, kayamanan na pwede mong hawakan
Dito sa ibabaw ng mundo
Sabi ng mapagsamantalang damdaming pansamantala
Na ako nga daw ay hangal dahil sa pagmamahal
Na di kayang tumbasan ng kahit na ano mang materyal

Dati nasa panaginip lang ang binibini na
Naging rason ng kada gising ko sa umaga
Kung magmahal kakalangita'y nagiging kama
Parang gabi-gabi kung makasiping ko si darna
Pag ika'y kayakap mas lalo kong nalalaman
Ang ibig sabihin ng kayamanan
Kahit na halaga man ng pambayad upa sa aming tahanan
Ay presyo lang ng nasa mesa nila tuwing agahan
Bagong telepono, magara na sapatusan
Ayun ay 'di ko maibibigay ang iyong layaw
Pagkat ang kaya ko lang ay ipadama sayo
Na laging ikalabing apat ng Pebrero kada araw
Halik mo ay di kayang tuldukan
Ng tamis na daig pananim sa tubuhan
Di ka man mahandugan kahit maski pandesal
Pag-ibig ko ay hindi kayang tumbasan ng ano mang materyal

Ibibigay sa'yo lahat ng gusto mo
Karangyaan, kayamanan na pwede mong hawakan
Dito sa ibabaw ng mundo
Sabi ng mapagsamantalang damdaming pansamantala
Na ako nga daw ay hangal dahil sa pagmamahal
Na di kayang tumbasan ng kahit na ano mang materyal

Pasensya kung minsanan na lamang kita dalawin
Madalas lang talaga 'kong kailanganin dun sa amin
Bakit wala kang kibo tuwing ikaw ay yayakapin
Makasibat na nga nanlalamig ka na ba sakin
Nako sana wag naman gustuhin ko mang agaran
Na dalawin kaso baka kumot mo'y nasa labahan pa
Wag kang mag-alala sa aking kalagayan
Sa ngayon ay kaya ko ng ibigay sa'yo ang kalawakan
Habang nakahiga't magkahawak ang kamay
Labi mo'y tanging sa pisngi ko lang nakalagay
Tawanan hanggang sa mag-umaga
Mapa kahirapan ay kasama mo akong umaray
Katabi ka hanggang sa kayamanan malulong
Mga bagay na sana nagawa pa natin noon
Kung 'di ako makatulog na nagmamaneho't gisingin
Ang dalawang higanteng ilaw na sakin pasalubong…

Ibibigay sa'yo lahat ng gusto mo
Karangyaan, kayamanan na pwede mong hawakan
Dito sa ibabaw ng mundo
Sabi ng mapagsamantalang damdaming pansamantala
Na ako nga daw ay hangal dahil sa pagmamahal
Na di kayang tumbasan ng kahit na ano mang materyal

Kung nandirito ka lang ay nasa langit na ako malamang
Kahit ang kaya ko lang iparamdam sayo'y malamig na hangin
'Di ka man kayang yakapin nagawa kang tabihan
Ng ako lang ang may alam
Kung nandirito ka lang ay nasa langit na ako malamang
Kahit ang kaya ko lang iparamdam sayo'y malamig na hangin
Di ka man kayang yakapin nagawa kang tabihan
Ng ako lang ang may alam

Ibibigay sa'yo lahat ng gusto mo
Karangyaan, kayamanan na pwede mong hawakan
Dito sa ibabaw ng mundo
Sabi ng mapagsamantalang damdaming pansamantala
Na ako nga daw ay hangal dahil sa pagmamahal
Na di kayang tumbasan ng kahit na ano mang materyal


Thanks to Irwin Caliguiran for correcting these lyrics.
Writer(s): Lester Paul Vano
EP: "Materyal" (2017)
Shanti Dope - Materyal EP cover
You May Also Like
Ex Battalion - "Follow My Lead" Yeah yeah yeah yeah Im'ma take ya to the frontrow Chicser! ExB! It's Sachzna baby Sumunod ka lang kung san kita Kung san kita dadalhin Tayong dalawa lang at wala nang iba Sumama ka na sakin baby Why...
Itchyworms - "Di Na Muli" Nung araw kay tamis ng ating buhay Puno ng saya at ng kulay Di mauulit muli Ang oras kapag hinayaang lumipas Madarama mo hanggang bukas Di mababawi muli Ang dami daming bagay na hindi naman...
Parokya Ni Edgar - "One Hit Combo" Nandito na naman kami Nagkakantahan sa isang tabi Katulad ng dati pagkatapos ng klase Lagi kang merong katabing nagsasabing Wag kang magkakamali Palampasin ang sandali Kailangan palagi positibo...
Al James - "Mood" Yeah Ayy Ang ganda ng mood, tamang pausok sa room Samahan mo ako sa mga pagsubok, patungo sa moon Mata parang naka-zoom, lutang na parang balloon Payapa't tahimik ang agos ng tubig sa aming lagoon...
Smugglaz - "Blankong Papel" Limot ko na bawat piraso ng mga salitang binulong ng hangin saakin Sinala ng puso at isip bago ko isinalin Blankong papel, blankong papel Blankong papel, blankong papel... Simula sinumulan para muli...