"Oka" lyrics

"Oka"
(feat. Loir)

Buti na lang
Sakin ay dumalaw ka
Kung sino pa
Yung di ko kilala
Buti naman
May nakaalala pa
Sa tulad kong
Lagi na lamang
Mag-isa

Ang himbing ng tulog ko dito sa sulok ng aking selda
Nang may tumawag sa akin
Di ako makapaniwala
Ang tagal ko nang naka kulong ni wala manlang nangamusta
Bakit ka ba naparito? Teka muna sino ka ba?

Tawag nila sakin ay Waki di mo nako natatandaan?
Nakainuman kita dati
Dun sa luma niyong paradahan
Ah ikaw ba yun o anong kailangan mo sakin?
Wala naman tol gusto lamang kitang kausapin
May dala ako ditong damit
Baka nagugutom ka
Hetong pagkain naka balot
Pwede mong bigyan ang iba
Oh ayos ah ano tayo mag syota?
Pero salamat
Sana nagdala ka ng toma
Kung pwede lang sana eh
Teka maiba ako
Kumusta ka naman dito?
Eto dakilang preso
Napapadalas manalangin
Pero naniwala na rin
Na masyadong mataas ang langit
At dito sa baba ang impyerno

Buti na lang
Sakin ay dumalaw ka
Kung sino pa
Yung di ko kilala
Buti naman
May nakaalala pa
Sa tulad kong
Lagi na lamang
Mag-isa

Ano nang plano mo?
Ano pa eh di maghintay ng milagro
Yun lang naman ang pwede kong gawin eh umasa kay poncio pilato
Tsaka wala naman akong babalikan sa labas
Dati nakong tambay
Lagi pang utas
Sakit ng ulo ni Tatay
Palamunin ni Nanay
Di ako nakatapos
Suki pa ng away
Wala na ngang trabaho
Sa bisyo alipin pa
Alak pati droga
Sige mamili ka
Di ko naman sila masisisi
Anong gagawin ko ganito ako
Sino ba naman ang mawiwili
Pati kasintahan ko ginoyo ko
Pero kung bakit ako naka kulong?
Ibang usapan yun
Tungkol dun sa babaeng pinatay
Basta wala akong alam dun
Bigla nalamang akong dinampot
Sabi nila ako daw
Dito nako bumantot
Gusto ko nang bumitaw
Minsan nga naiisip ko eh
Napariwara na ba ako
Buti nalang dumaan ka may nakakausap ako

Buti na lang
Sakin ay dumalaw ka
Kung sino pa
Yung di ko kilala
Buti naman
May nakaalala pa
Sa tulad kong
Lagi na lamang
Mag-isa

O bakit ngayon ka lang bumalik?
Pinaghintay mo ako ng matagal
Ano ka nag papasabik?
'Yang mukha mong makapal
Umalis ka na dito di kita kailangan
Bakit ka nagagalit?
Ikaw nga tong dinadamayan
Huwag kang magmamalaki sakin
Baka mapahiya ka
At malaman ng lahat ng tao
Kung bakit hindi ka makalaya
Yung nobyang ginoyo mo diba yun yung namatay?
Dahil gusto mong kunin yung pera pati relo niya sa kamay!
Kasi lulong ka sa droga
Kaya lahat tinalo mo
'Yang pangalan mong Oka
Gasgas na yan sa inyo
Tapos lagi kang nagwawala
Kapag malakas yung tama mo
Kaya kawawa yung mga mahal mo
Sa pag mamakaawa mo!
Hindi ka nila natitiis kasi mahal ka nila
Pero hinayaan mong numipis lahat ng pasesnya nila
Tama lang sayo yan
Ang mabagansya ka
Isipin mo ninakaw mo pati sa pamangkin mong alkansya
Akala mo ba may kausap ka?
Sira wala
Nasa mandaluyong ka
Wala ka sa munting lupa
At hindi araw ang buwan
Huwag mong kulayan ng dilaw
Si Oka ay si Waki
Kasi ako ikaw


EP: "POOT AT PAG-IBIG" (2021)
Gloc-9 - POOT AT PAG-IBIG EP cover
You May Also Like
MYMP - "Nothing's Gonna Stop Us Now" Looking in your eyes, I see a paradise This world that I found is too good to be true Standing here beside you Want so much to give you this love in my heart That I'm feeling for you Let them say...
Callalily - "Magbalik" Wala nang dating pagtingin Sawa na ba saking lambing Wala ka namang dahilan Bakit bigla na lang nang iwan? Di na alam ang gagawin Upang ika'y magbalik sa'kin Ginawa ko naman ang lahat Bakit bigla...
Sponge Cola - "Jeepney" Bumaba ako sa jeepney Kung saan tayo'y dating magkatabi Magkahalik ang pisngi nating dalwa Nating dalawa Panyo mo sa aking bulsa Ang amoy mo'y naroon pa rin Tawa nati'y humahalay Sa init nating...
The Speaks - "High" Will it ever be? I've tried so hard to find sweet serenity Are you still afraid? Just close your eyes and dream, and fear will fade away Time won't flow, everyone knows When the pain fades away And...
Itchyworms - "Akin Ka Na Lang" 'Wag kang maniwala d'yan, 'di ka n'ya mahal talaga Sayang lang ang buhay mo kung mapupunta ka lang sa kanya Iiwanan ka lang n'yan, mag-ingat ka Dagdag ka lamang sa milyun-milyong babae n'ya Akin ka...