"Puting Papel" lyrics
"Puting Papel"
(feat. Kael Guerrero & Yuridope)
Gusto lang magpasalamat sa'yo kasi lagi kang nandyan
Sa mga panahong magiginaw noon, ikaw ay nahahagkan
Pinapadama lagi pag katabi ka, walang makahadlang
Nung panahong mahina, dahil sa'yo di na nagdadamdam
Ng malubha, kaya nung sinagot mo, maluha-luha
Parang nung unang beses makita kita
Mga mata ko'y magkandaluwa-luwa
Kapag kapiling ka ay siglang-sigla
Kaya napapatanong lagi kay Ama kung bakit
Sa dinami-dami ng maaaring biyayaan
Ng katulad mo, sa'kin binahagi't maging kabiyak
Matiyak, palagi, kahit mahirap
O sa kaginhawahan tatabihan
Kung sakali, lang naman
Daming dami pang gustong sabihin sana, saiyo
Di ko na makabisa
O magsalita, pano naluluha
Hanggang ngayon di parin makapaniwala kaya
Dito na lang sa puting papel
Baka sakaling magdilang anghel
Pag nagsulat
Ng mga kayang mapangako sa'yo
Dahil sa
Suot mong mahabang puting damit
Habang naglalakad ng palapit
Sa pasilyo na patungo
Sa karapat-dapat sa'yo, hindi ako
Tinatanaw kita habang papalapit ka sa akin
Ang puting damit na iyong suot, ang ganda mo'y kumikinang
Mga bulaklak sa sahig ay hindi ko na mabilang
Amoy ng iyong buhok ang siyang inaasam, makatabi ka lang
Arkilado man ito, ang barong na suot-suot ko
Pinagbutihan ko na plantsahin
Dahil hangad ko rin, ako'y iyong mahalin
Kung puwede lang dalhin sa mga bituin
Ang tangi kong hiling
Dahil hindi ako ang siyang naghihintay sa altar
Ngunit ang laging hawak ko
Ay nung ako ang iyong mahal
Dito na lang sa puting papel
Baka sakaling magdilang anghel
Pag nagsulat
Ng mga kayang mapangako sa'yo
Dahil sa
Suot mong mahabang puting damit
Habang naglalakad ng palapit
Sa pasilyo na patungo
Sa karapat-dapat sa'yo, hindi ako
Pero salamat sa pag-imbita
Sa'yong pinakamahalagang araw
Nakita ko rin 'yung pinakamasa'ya mong ngiti
Kaya hanggang dito na lang
Dito na lang sa puting papel
Baka sakaling magdilang anghel
Pag nagsulat
Ng mga kayang mapangako sa'yo
Dahil sa
Suot mong mahabang puting damit
Habang naglalakad ng palapit
Sa pasilyo na patungo
Sa karapat-dapat sa'yo, hindi ako
- AZLyrics
- G
- Gloc-9 Lyrics
You May Also Like
MYMP - "Tell Me Where It Hurts" What is that sad look in your eyes
Why are you crying
Tell me now, tell me now
Tell me, why you're feelin' this way
I hate to see you so down, oh baby
Is it your heart
Oh, that's breakin' all in...
Angeline Quinto - "Till I Met You" I never dreamed
Cause I always thought that dreaming was for kids
Just a childish thing
And I could swear
Love was just a game that children play
And no more than a game
Till I met you
I never knew...
Smugglaz - "Walking Distance" Walking distance lang
Pangarap ko na noong maliit pa kung sino ako paglaki
Kaya nagbilang pa'ko ng ilang umaga at gabi
Bago ako umabot sa'king tinatapakan
Aking pinagdaanan ay hindi naging madali...
Rico Blanco - "Yugto" Sa gitna ng kagubatan may ahas na hahalik
Tatawagin kang kaibigan na pinaka matalik
Pupulupot sa leeg mo't sisipsip ng iyong dugo
Ipapako ka sa krus kapag ikaw ay natuyo
Sa gitna ng kaguluhan may...
Jireh Lim - "Pagsuko" Maari ba muna natin tong pagusapan
Sa dami-rami na ng ating pinag daanan
Ngayon mo pa ba maiisipang isuko
Ang lahat ng ating pinag samahan
Masikip sa damdamin hinigop ng hangin
Ang lakas, pinag...