"SA'KIN 'YAN" lyrics

"SA'KIN 'YAN"
(feat. Honcho)

[Gloc-9:]
Ikaw na naman 'di ba kalalabas mo lang ng
Bagong kanta na para bang kailan lang
Ikaw na naman 'di ba kalalabas mo lang ng bagong kanta
Marami pa
Apir tayo diyan G-code
Goodson!
Pang ilan na ba 'to?
Natumbak mo pare
Natumbak mo ng mismo

Sino ang polido?
Maging ang anino
Ilaw na laging nakasindi kahit kanino
Tawagin mo dito hipan mo ang pito
Mga letrang malagkit na parang bagong pustiso

Turo-turuan kung kaninong hagdan
Ang mas maraming baitang
Ilan ang hinakbang
Pababa, pataas
Sinong tagapagmana?
Hayaan mong sabihin kong ayaw ko ng korona
Hindi sa'kin 'yan

Dahil ang nais ko lang noon ay makapag
Sulat ng mga awit kahit na pabalibag
Ang mga tono tinodo ko, medyo malibag
Ang kailangan lunukin 'yan lang ang realidad
Naglalakad ng mag-isa papunta sa opisina
Dala ang demo baka sakaling maipakita
Ang taglay na kanta'y ilalahad kung luto na
Kumain ka na ba ng tanghalian? Hindi pa
Huwag mo kaming tatawagan kaming tatawag sa'yo
Iwanan mo dun sa guwardya sa harapan ang number mo
Diyan ko laging nilalaan ang parte ng sweldo ko
Sa paglinis ng kusina kung minsan tagasalo
Kalahating sakong bigas isampa mo dun sa truck
Hawakan mo ang itlog baka mabasag sa lubak
Ibabawas 'yan sa'yo kapag may isang nabiyak
Kahit na 'di sigurado ay merong isang tiyak

Sino ang polido?
Maging ang anino
Ilaw na laging nakasindi kahit kanino
Tawagin mo dito hipan mo ang pito
Mga letrang malagkit na parang bagong pustiso

Turo-turuan kung kaninong hagdan
Ang mas maraming baitang
Ilan ang hinakbang
Pababa, pataas
Sinong tagapagmana?
Hayaan mong sabihin kong ayaw ko ng korona
Hindi sa'kin 'yan

Sa madaling salita hindi naging madali
Lahat ng buo na binayad inipon ko ang sukli
'Pag lahat ay tinatamad ako'y 'di nag-atubili
Nasipagan upakan hulaan kahit magkamali
Basta subok lang ng subok, huwag bilangin kung ilan
Itinaas ko ang kamay hanggang sa matandaan
Ako ng guro tinuro kung sa'n ang tamang daan
Narating din ang palasyo na tirahan ng ilan
Hindi nahilig sa mga kinang ng mga alahero
O magagarang gulong na kasing ingay ng bumbero
'Pag mabilis ang takbo agad na pumipreno kaya
Bubungan sa'king ulunan pirma ko ang nasa yero
Kahit na dalawang dekadang mahigit na 'kong paos
At kailan ma'y 'di ako nasindak sa salitang laos
Ako nang magsasabi sa bangka na tapos na kung tapos
Hindi 'yan kasya sa'kin, alam kong ang ulo ko'y kapos

Sino ang polido?
Maging ang anino
Ilaw na laging nakasindi kahit kanino
Tawagin mo dito hipan mo ang pito
Mga letrang malagkit na parang bagong pustiso

Turo-turuan kung kaninong hagdan
Ang mas maraming baitang
Ilan ang hinakbang
Pababa, pataas
Sinong tagapagmana?
Hayaan mong sabihin kong ayaw ko ng korona
Hindi sa'kin 'yan

[Honcho:]
Meron lang akong gustong sabihin
Sa mga dapat na makaalam baka isiping
Kunsintihan 'to at ibahin ang meaning
Kailangan kong sulitin sulat ko baka silipin
Hoy gumising! Mag-iba ka na, 'wag kang magpapakain
Ng inggit sa katawan ay palayasin, pabagahin
Utak mong kalawangin ay linisin palawakin
Sana mag-iba ka na para isa ating hangarin
At ng magaya ka din sa'kin makasama ka sa awit ni Gloc
Sa'ming lipad kahit na mabigat
Ang imposible ay posible basta magsipag
'Wag kang paawat at gawin dapat ang abilidad
Kasi alam mo na pwede kang mabilang sa mga tanyag
Pero 'wag masilaw, pwede kang magkaroon ng hindi mabilang
Na tagahanga nakatapat na sa'yo ang ilaw
'Di na kailangan ng korona

[Gloc-9 (Honcho):]
Sino ang polido? (Sino)
Maging ang anino
Ilaw na laging nakasindi kahit kanino
Tawagin mo dito (dito) hipan mo ang pito (prrt)
Mga letrang malagkit na parang bagong pustiso

[Gloc-9:]
Turo-turuan kung kaninong hagdan
Ang mas maraming baitang
Ilan ang hinakbang
Pababa, pataas
Sinong tagapagmana?
Hayaan mong sabihin kong ayaw ko ng korona
Hindi sa'kin 'yan

Sino ang polido?
Maging ang anino
Ilaw na laging nakasindi kahit kanino
Tawagin mo dito hipan mo ang pito
Mga letrang malagkit na parang bagong pustiso

Turo-turuan kung kaninong hagdan
Ang mas maraming baitang
Ilan ang hinakbang
Pababa, pataas
Sinong tagapagmana?
Hayaan mong sabihin kong ayaw ko ng korona
Hindi sa'kin 'yan


You May Also Like
Ron Henley, Kial & Jsn Bltzr - "?Ano Na?" Ano'ng nasa dako paroon Isa sa marami pa'ng tanong Nito'ng malikot na pag-iisip Ano na? Pano na? Pano, naano na Ano'ng nasa dako paroon Isa sa marami pa'ng tanong Nito'ng malikot na pag-iisip Ano na?...
Julie Anne San Jose - "Try Love Again" Never thought I'd see the day The day love magically appears 'Cause some things are hard to believe in Based on our fears And I was scared To love and then You just popped up by surprise And made me...
Jireh Lim - "Gantimpala" Wala na kong mahihiling pa Ikaw lang ay sapat na dito sa buhay ko Wala na kong hahanapin pa Hindi ko hahayaan na mawalay ka pa Di ko rin alam kung bakit pinagpala Sa dami na ng ginawa kong...
Sponge Cola - "Labis-Labis" Hindi maitagong saya't pananabik... Patuloy na lumiliyab Apoy sa'yong mata Pagningas niya'y Galak sa'king mukha Habang ako'y humihinga Hindi mawawala Nandito lang ako aking sinta Hindi maitagong...
CLR - "Inday" Inday asa ka karon Bugnaw ang panahon Gusto kag painiton natong kwarto nyag uli mo baby Ari unya karon kung naa kay hapiton Palihog lang kog palit Pangpagahi sa unod ko baby Maayo ky dre ka...