"?Ano Na?" lyrics
Ron Henley, Kial & Jsn Bltzr Lyrics
"?Ano Na?"
Ano'ng nasa dako paroon
Isa sa marami pa'ng tanong
Nito'ng malikot na pag-iisip
Ano na? Pano na? Pano, naano na
Ano'ng nasa dako paroon
Isa sa marami pa'ng tanong
Nito'ng malikot na pag-iisip
Ano na? Pano na? Pano, naano na
Napakahirap mong mahagilap
Maaari bang masuot ang iyong agimat?
Pampa manpamanhid lang saking balikat
Kahit na sabi nila sa hiwaga'y mag ingat ka
Paliwanag ko'y may sinag na
Nakakasilaw sa mata ng mga nabihag nya
Sapot na sakop ang malawak ng bakod, nakakatakot
Pasok ka salot dito ang alak at usok ay hinahakot
Bago ibalot, sukat ang salop
Utakan, sahod, tulakan, kayod
Bawal mapagod laging matayog
Ang pag lipad hanggang sa tala umabot
Pero kung 'di mo man ito marating balik sa dilim
Na puro halimaw ang yong kahambing
Pinunong may ulong kambing
Hangad ay kapayapaan habang hawak ay patalim
Dagat dagatang apoy na puno ng pating
Imposible lahat ng gusto mong maging
Kahit pa siko mo'y kagatin
Ano'ng nasa dako paroon
Isa sa marami pa'ng tanong
Nito'ng malikot na pag-iisip
Ano na? Pano na? Pano, naano na
Ano'ng nasa dako paroon
Isa sa marami pa'ng tanong
Nito'ng malikot na pag-iisip
Ano na? Pano na? Pano, naano na
Naumay na sa bawat bakit
Ng mga nagha-hanap ng dahilan
Napilitan nang lumapit kahit
Ano pang ganap at nagsi-dalian
Maligalig sa pagkahig ang mga paa
Nang laging may makabig bago mawala palaring mapasakin ang mga dinadala-ngin sa malalim na pagtingala
Paligid ay galit merong mga titik
Sa loob ng mga matang nakatitig
Habang nanlilisik pinagdikit-dikit ang nabuong salita ko ay "pag-ibig"
Gaano kasakit?
Walang sumagot di tuloy, nakapaghanda ng gamot
Kung walang nagbigay at walang nag-abot wag mong balikan ng pagdadamot
Maulap-ulap nung sinubukang makasilip sa mga nakapiit
Binuhusan ng kaalaman
Pagkat minsan lang makatikim ng dilig
Tipikal na kamalayang madali lang mapabilib
Manatiling pakurap-kurap ka lang
Kada saglit pagnamulat, di ka na makakapikit
Ano'ng nasa dako paroon
Isa sa marami pa'ng tanong
Nito'ng malikot na pag-iisip
Ano na? Pano na? Pano, naano na
Ano'ng nasa dako paroon
Isa sa marami pa'ng tanong
Nito'ng malikot na pag-iisip
Ano na? Pano na? Pano, naano na
Ako ay matatagpuan
Sa pusod ng dagat
Nakasakay sa bangka sa pang apat
Rinig mo din sa dulo ng tawag
Ramdam ko naman ang gaspangan
Sa bawat tapikan ng palad
Batid ko na k'agad
Tagay parang di na banayad
Nakakabagabag
Mga written na kapunit punit
Freestyle na pauli ulit
Dapat linyahan parang tapat na timbangan
Bawat guhit sulit
Ano napa'no ka?
Tropa napa'no ka?
Nasilip mo ba'ng muli ang mundo
Kung san hintayan mo nung ligaw ka pa lang na kaluluwa
Taga gising ng diwang tulog mantika
Naglakbay palayo ng maynila
Hanap ay kasagutan na tila
Nasa dulo ng dila
'Pag ba ipiniga tong daliri na to sa nakatutok na Magnum
Maging klasik kaya yung pamana kong album
Palaisipan kung
Ano'ng nasa dako paroon
Isa sa marami pa'ng tanong
Nito'ng malikot na pag-iisip
Ano na? Pano na? Pano, naano na
Ano'ng nasa dako paroon
Isa sa marami pa'ng tanong
Nito'ng malikot na pag-iisip
Ano na? Pano na? Pano, naano na
- AZLyrics
- R
- Ron Henley Lyrics
You May Also Like
Jnske - "Thoughts" Nakakapagod din na mag-isip ng sasabihin ko sayo
Sa tuwing sasapit ang madaling araw
Paulit-ulit na lang tayo lagi na lang ba na ganito
Mukhang kailangan ko na atang masanay
Baka pwede naman...
CLR - "P's Song" ('Di ko alam kung pano sisimulan...)
'Di ko alam kung pano sisimulan
Itong aking tula medyo mahirap hirap ang
Maglahad ng nararamdaman kasabay ng beat
Pero kailangan ilabas nilulumot kong sikreto...
Al James - "Mood" Yeah
Ayy Ang ganda ng mood, tamang pausok sa room
Samahan mo ako sa mga pagsubok, patungo sa moon
Mata parang naka-zoom, lutang na parang balloon
Payapa't tahimik ang agos ng tubig sa aming lagoon...
Shanti Dope - "Nadarang" Andiyan ka na naman
Bat di ko maiwasang tumingin sayong liwanag
Nadarang na naman sayong apoy
Bakit ba laging hinahayaan
Andiyan ka na naman
Ba't di ko maiwasang tumingin sayong liwanag
Nadarang na...
Geo Ong - "Walang Bago" Minsan ba, 'di mo na alam ang gagawin mo
Nag tatrabaho alas otso hanggang alas singko
Nakakapag pahinga ka lamang pagka linggo
Pero bakit madalas ka paring salatin oh
Kahit alam mo naman na ikaw ay...