"Talak (Cypher)" lyrics
"Talak (Cypher)"
(feat. Hero, Ramdiss, Arvy T & G Clown)
Paggising sa umaga babangon sa kama
Ligo tapos sipilyo magkape para gumana
Kung ano man ang dapat matapos mo ngayon
Dire-diretso lang, huwag mong pansinin ang pikon
Lingon, tugon, doon lamang tayo sa yeko
Para 'di uminit ang ulo patungan ng yelo
Kung tila kakapusin, aba, dapat kang bumwelo
May tumutulo sa bubong, lagyan ng tapal ang yero
Remedyo, kahit inembento lang
Dapat laging tatatak parang sinelyuhan
Ang isip ng nakikinig, batang kwinentuhan
Sabihan man na walang tira, pwedeng pektusan
Nagsalo-salo, dikit-dikit na ang mag kakabaro
Labo-labo, palo ng palo parang nangangabayo
Tumatakbo't hinahabol ang pangarap, dumadayo
Kahit saan, hindi alintana kahit malayo
Man o malapit, mahalaga makakapit
Parang batang paslit sa lansangan gustong makasabit
Sa jeep, beep, ito ay byahe ng pangarap
Rumaragasa, sasalubong sa lahat ng haharang
Pinagbangga-bangga ng tadhana na magkasalu-salubong
Magsalo-salo sa musikang may matibay na bubong
Nagkita-kita nung sabay-sabay lumabas sa kahong
Dinurog ng damdaming ikubli ma'y umaalulong
Pare, 'di ba sobrang hot no'n
Namumula-mula mukha na parang hotdog
Kamadahin ng maigi, dapat laging hands on
Parang 'yung producer namin na handsome
Malabo talaga, kapag wala kong salamin
Kung natutuyot ka ay tubig ang yong inumin
Kapag naliligaw ka na, maghanap ka ng clues
Ng magkalasa ang panlasa, magtimpla ka ng juice
Para hndi ka ma-tuss, kanawin mo eto pang halo
'Di para mag excuse kahit ang tubig ay malabo
Nagpaka lango sa musikang hinanap ng puso
Biglang umilaw 'yung radar at dito ko itinuro
Nung mababad sa laro, 'di na naisuot 'yung toga
Inabutan ng dilim kakapihit ng saranggola
Nasirang tora-tora sa mithiin na na-coma
Pangarap suntok sa buwan, oh, pwes heto 'yung goma-goma
Oha, iba 'pag nagsanib pwersa
May pagpipilian na maraming tema
Iba-iba ang mabebenta sa ating eksena
Na parang tindahan kila Aling Nena
Merong maling, daing, meron sa 'ting kwela
May pahaging, pero dapat laging may kwenta
Pero ang gusto ko ay busog kayo
Parang 'yung kumalikot ng tunog na 'to
Sige, akin na para bumabayo, umaatikabo
Habang 'yung mga balahibo nila pinatayo
Nahihirapan man kapag salita ay nagtatago
Kapag nahanap naman ay para na lang naglalaro
Sumasayaw sa saliw ng tunog na binalandra
Na parang mga kawayang sinabayan ng makata
Manunulang mga bata na namulat sa talata
Apo sa tuhod ni Francisco't Crisostomo Ibarra
Isinulat ni Rizal gamit ang kanyang daliri
Hawakan, sakalin ang mahaba na pisi
Ang matitira, kung sino lang manatili
'Wag ng makipagtaasan ng ihi
'Wag ng iwasiwas, tutok mo sa butas, at maghugas
Tapos punas pagkabuhos alam mo ng gagawin
Kumaripas at sumulat ng matikas na panggulat
Na palitan ng makatang ang sumulat ay madiin
Na laging bumabamaon sa mga sintido kumon
Laging may sindi ang pugon, kahit hindi tumugon
Mawala man ang apoy hindi mamatay ang baga
'Pag inipon 'yung abo ay mangangalay kapapala
Wala pang kinse na mulat hindi nagsisi mapuyat
Para matriple 'yung sulat ay nanatili sa gubat
Lahat ay isinambulat, handang sumisid sa burak
'Di nalimutan ang misyon naka-perdible sa utak
Tumpak mga lubak ay ituro sa iba
Nang ang hindi niya pa alam ay hawakan na rin nila
Maibahagi sa mga kaibigang naimbita
At may magsinabi sa 'yo na, uy, nandito ka rin pala
Tandaan ang daan, markahan mo nang tali
Mga nakakasama amuyin mo ang ugali
Nakakatakot ang mag-isa lamang sa gusali
Dahil ang tagumpay ay tae kung wala kang kahati
- AZLyrics
- G
- Gloc-9 Lyrics
EP:
"Gloc-9 Presents La Liga" (2026)
You May Also Like
Rivermaya - "Himala" Pangarap ko'y
Makita kang
Naglalaro sa buwan
Inalay mo
Sa akin ang
Gabing walang hangganan
Hindi mahanap sa lupa ang pag-asa
Nakikiusap nalang
Himala, kasalanan bang
Humingi ako sa langit ng
Isang...
Soapdish - "Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko" Kung tayo'y matanda na
Sana'y di tayo magbago
At kailan ma'y, nasaan ma'y
Ito ang pangarap ko
Makuha mo pa kayang
Ako'y hagkan at yakapin ooh
Hanggang pagtanda natin
Nagtatanong lang sa 'yo
Ako pa...
YB Neet x Flow G - "Dem Dayz" Yeah, yeah
Yeah, yeah, yeah, yeah
Young Blood
Remember them days nasa ibaba, 'di akalaing tinitingala
Nagbabawi na nung wala pa 'kong meron
Pa'no pa ngayon meron ng napala
If they won't show me,...
Geo Ong - "Don Angelo" Elementarya pa lang ako na madalas na makatsyawan pagkat isa
Ako sa mga walang wala sa paaralan pumapasok na walang kain
May bitbit pang mga pasanin habang suot uniporme kong dalawang araw ng...
Itchyworms - "Kabataang Pinoy" Ang barkada namin may pangarap
Na nais abutin
Pangarap namin magtagumpay
Sa lahat ng gagawin
Iba na tayo ngayon
Walang di nagagawa
Sabihin mo, sabihin nyo
Kaya natin to
Kabataang pinoy pagbutihan...