"Sige" lyrics

"Sige"

Sige lumayo, lakbay ang buhay
At kung madarapa, wag ka maumay
Sige lumayo, lakbay ang buhay
At kung madarapa, wag ka maumay

Isipin mo palaging may pagmamahal
Na bukod tanging inaalay sa iyo ng Maykapal

Kung iintindihan lang natin ng lubos ang pagkabuhay
Edi wala na sanang nasasayang pa na buhay
Walang hayop o kaybigang magdurusa't pighati ay
Mapapawi rin agad lunasan natin ng ngiti

Pag mamahalan tangi nating kailangan
Hindi nating kailangan na magaway maglamangan
Ang maglaban ay walang patutunguhan kundi ang pagkasawi
Ng mabubuti na binhing sa puso ay nakatanim

Marami ang nagtatanong kung bakit daw ako ganto
Kapayapaan at pagmamahalan ang handog
Sagot ko lamang gusto ko lang malaman niyo
Kung gaano kalawak ang bitbit niyong kamalayan

At marahil ito lang din ang meron dito sa pinakaloob
Ng pagkatao kong minsang nilamon ng mga kutob
Ngunit nalaman ko na ang kalayaa'y
Nakasalalay lang pala sa aking kaalaman

Sige lumayo, lakbay ang buhay
At kung madarapa, wag ka maumay
Sige lumayo, lakbay ang buhay
At kung madarapa, wag ka maumay

Mundo ay magbabago paglipas ng panahon
Ang alaala ng kahapon sa isip nakabaon
Mananatili sa memorya ang ating nakaraan
Ngunit hinding hindi na maari pa na mabalikan

Madagdagan pa sana ng panibagong yugto
Ang pahina ng buhay natin na tila isang libro
Merong wakas may umpisa lahat ay may hangganan
Sana ay mamuhay kang malaya bago ka lumisan

Sa mundo sikapin mong lagi ang magkasundo
Ang 'yong damdamin at isipan ilayo mo sa gulo
Panatilihin mong nakaduyan ang kamalayan mo
Sa nagiisang tahanan ng iyong kamusmusan

Wag mong hayaan na galit sa isip ang mamuthawi
Mapayapang pagkatao dapat ay bitbit mo lagi
Bukod tangi ka na nabubuhay sa sanlibutan
Walang katulad ang dala dala mo na pagmamahal

Sige lumayo, lakbay ang buhay
At kung madarapa, wag ka maumay
Sige lumayo, lakbay ang buhay
At kung madarapa, wag ka maumay


Writer(s): Genesis Lago
You May Also Like
Kris Delano - "Kalmado" (Mark beats) Kalmado lang ako pero pare gago to Kalmado lang ako pero pare gago to Kalmado lang ako pero pare gago to Pare gago to pare pare gago to Nag iisa sa gilid napapaisip Taginaw na panahon...
Honcho - "Pasensya Na" Gusto ko ng sabihin na mahal pa kita Pero di ko magawa di makasalita Kaya pasensya na (pasensya na, pasensya na) Hanggang tingin na lang ba baka mapahiya O baka mawala kapag inamin ko pa Kaya...
Alisson Shore - "Kung Sakin Ka Lang" O alas tres na ng gabi siya umuwi Kaninong kolorete'ng nakadampi sa pisngi Tulala, wala bang kadala-dala? Na di ka mahal, di na pinagdarasal Sa ibang birhen na ata siya nagpapakumpisal Hindi mo ba...
Nateman - "Paboritong Pagkakamali" Masakit man sa'kin na pakawalan ka Mas mabuti na 'to kesa mag-abang ka Masakit man sa'kin na pakawalan ka Mas mabuti na 'to kesa mag-abang ka Kung kailan ako magtitino Magdamag ka raw umiinom...
jikamarie - "IISA" Ilang taon na rin bang nakalipas nang huli kitang Masilayan, matititigan, makausap Matagal ding nangulila sa iyong mga mata Kamusta ka na ba? Mayron bang nag-iba? Sana kahit papa'no ay ngumingiti ka...