"Limitasyon" lyrics

"Limitasyon"
(feat. Gloc 9 & Loonie)

Oh, kahit ano pa ang sabihin nila
Alam mo na ang totoo
Na sarili lang naman talaga
Ang limit, limit, limitasyon
Kahit ano pa ang sabihin nila
Alam mo na ang kaya mo
Walang limit, limit
Limit, limit, limitasyon

Sabi nila, itigil mo na
Hindi ka iba, hindi ka iba
Hanggang dito ka lang, hindi mo kaya
Hindi ka iba, pakinggan mo ba
Ipakita mo na ikaw ay iba
Ipakita mo na ikaw ay iba
Akala nila, tama sila
Pero 'di 'yon ang mahalaga

Puro sabi-sabi, tabi-tabi, bukod tangi
'Di mo kakilala pero laging bumabati
Hila-hilang tali, paltos sabay kagat-labi
Parang lahat ng taya mo'y 'di mo mababawi-bawi
Puro sabi-sabi, tabi-tabi, bukod tangi
'Di mo kakilala pero laging bumabati
Hila-hilang tali, paltos sabay kagat-labi
Parang lahat ng taya mo'y 'di mo mababawi-bawi

Sugal ng dukhang palaging panalo
'Di umobra na'ng plano
Pangarap ko na bilhin pero wala pa ring pera
Ano ang magkano?
Salitang tila walang kuwenta
Ano mang iyong binibenta
Kahit may formalin, bakit bulok pa rin
Ang amoy na siyang rumerenta

Sa bahay na ang nakatira'y
Walang kakati-katiwala sa 'yo
Pero ang tunay na magnanakaw
At kawatan ay ang katiwala nito
Sali mo 'to, sinabi ko 'to
Hindi ko 'to hiningi sa iyo
Kaya kung hindi kinain ang niluto
'Di dapat sumama ang loob mo, gano'n talaga

Oh, kahit ano pa ang sabihin nila
Alam mo na ang totoo
Na sarili lang naman talaga
Ang limit, limit, limitasyon
Kahit ano pa ang sabihin nila
Alam mo na ang kaya mo
Walang limit, limit
Limit, limit, limitasyon

Whoa, walang limitasyon

Kaliwa't kanan, miski saan
Ano man ang 'yong napiling daan
Lagi mo lang tandaan na kahit kailan
Ay hindi ka nila malilimitahan
Abot-kamay na tagumpay
Matagal ka nang inimbitahan
Ngayon, wala nang ibang pipigil sa 'yo
Kundi sarili mo lang

Kung talagang magaling ka
Kahit wala kang tinta
'Di mo kailangan ng matalinghaga na mga kataga
Para sumarap ang pagkakatimpla
'Wag mong gayahin, galawan nila
Gawin mo lang, 'wag kang magpadikta
Kalimitan ang naglilimita sa 'yo
Ay ikaw lang at wala nang iba

Magpakita ng dedikasyon
Pagkat hirang ay kampiyon ng pangarap
Ang tanging limitasyon
Imahinasyon kong napakalawak
Magpakita ng dedikasyon
Pagkat hirang ay kampiyon ng pangarap
Ang tanging limitasyon
Imahinasyon kong napakalawak

Sabi nila, itigil mo na
Hindi ka iba, hindi ka iba
Hanggang dito ka lang, hindi mo kaya
Hindi ka iba, pakinggan mo ba
Ipakita mo na ikaw ay iba
Ipakita mo na ikaw ay iba
Akala nila, tama sila
Pero 'di 'yon ang mahalaga

Oh, kahit ano pa ang sabihin nila
Alam mo na ang totoo
Na sarili lang naman talaga
Ang limit, limit, limitasyon
Kahit ano pa ang sabihin nila
Alam mo na ang kaya mo
Walang limit, limit
Limit, limit, limitasyon

Oh, kahit ano pa ang sabihin nila
Alam mo na ang totoo
Na sarili lang naman talaga
Ang limit, limit, limitasyon
Kahit ano pa ang sabihin nila
Alam mo na ang kaya mo
Walang limit, limit
Limitasyon


Writer(s): Gaudencio Aquino Sillona Iii
You May Also Like
Kjah, Yeng Constantino & Raymund Marasigan - "Diskaril" Juskopo! Heto na naman muling magmamahal Huling beses ginawa 'to muntik magpatiwakal (diskaril) Pwede bang pigilan? puso makisama ka naman May benda pa ang pinsala ng nagdaang kahibangan (diskaril)...
Ariel Rivera - "Minsan Lang Kitang Iibigin" Mahal, pangako sa iyo Hindi magbabago Ikaw lang ang iibigin ko Kahit Ikaw ay lumayo At masaktan ako Asahan na 'di maglalaho Ang pag-ibig ko'y tanging sa'yo lamang Kung kaya giliw dapat mong malaman...
VST & Company - "Ipagpatawad Mo" Ipagpatawad mo, aking kapangahasan Binibini ko, sana'y maintindihan Alam kong kailan lang tayo nagkatagpo Ngunit parang sa 'yo, ayaw nang lumayo Ipagtawad mo, ako ma'y naguguluhan 'Di ka masisi na...
Side A - "Set You Free" We often fool ourselves And say that it's love Only cause when it's gone We end up being lonely So how are we to know That it just isn't so That we just have to let each other go There were...
Silent Sanctuary - "Sa'yo" Minsan Oo Minsan hindi Minsan Tama Minsan Mali Umaabante Umaatras Kilos mong namimintas Kung Tunay nga ang Pag ibig mo Kaya mo bang Isigaw Iparating sa Mundo Tumingin Saking Mata Magtapat ng...