"Sa Panaginip Lang" lyrics

"Sa Panaginip Lang"

Sa dami-dami na nangyari na sa buhay kong ito
Hindi ko pa naramdaman ang nararamdaman ko ngayon
Sa dami-dami na nagsabi na mahal nila ako
Bakit parang sa 'yo lamang tumitibok ang aking puso?

Hindi naman ako tanga
Alam ko nga walang mapapala
Hindi tayo bagay sa isa't isa

Sa panaginip, tayo ay magkasama
Bakit ba ganyan?
'Di ko sinasadya naman
Sa panaginip, tayo ay magkayakap
Hindi ko na alam
Hanggang sa panaginip lang

Hindi na yata maaari pa magkaro'n ng panahon
Upang magawan ito ng paraan para mapalapit ako sa 'yo
Hindi na dapat nangangarap pa d'yan sa pag-ibig mo
Langit ka kasi, lupa lang ako, bakit hindi pa rin ako natututo?

Hindi naman ako tanga (hindi naman tanga)
Alam ko nga walang mapapala (walang mapapala)
Hindi tayo bagay sa isa't isa, ngunit bakit ba?

Sa panaginip, tayo ay magkasama
Bakit ba ganyan? (Bakit ba ganyan?)
'Di ko sinasadya naman
Sa panaginip, tayo ay magkayakap
Hindi ko na alam (hindi ko na alam)
Hanggang sa panaginip lang (sa panaginip lang)

'Yan na ba ang nais ko?
Ikaw ba ang mahal ko?
Bakit biglang nalilito ang isip ko?
Ngayong alam na alam ko na (alam na alam ko na)
Sakit lang sa puso ko (sakit sa puso ko)
Ang makukuha ko sa iyo, eh, 'di bakit ba?

Sa panaginip, tayo ay magkasama
Bakit ba ganyan? (Bakit ba ganyan?)
'Di ko sinasadya naman
Sa panaginip, tayo ay magkayakap
Hindi ko na alam (hindi ko na alam)
Hanggang sa panaginip lang ba talaga 'yan?


Writer(s): David Dimaguila
You May Also Like
Michael Pangilinan - "Ang Saksi Ko" Dito sa puso ko'y nagiisa ka lamang At sa aking isipin ay tanging ikaw ang syang laman Hindi ka sasaktan, kahit kailan pa man Pangako sayo ang pag ibig ko'y walang hanggan Ang saksi ko'y mga bituin...
Jonalyn Viray - "Sa Piling Mo" Sa piling mo parang langit Lahat ng bagay ay kayang abutin Sa piling mo may pag-ibig Hindi pagpapalit ang puso mo Sa piling mo kay tamis At ako'y wala nang nais Ikaw ang aking pag-ibig Sa piling mo...
Daryl Ong - "Ikaw Na Nga" Parang biro lamang Dumating ang tulad mo At may isang pag ibig na tapat at totoo Dahil sayo'y naramdaman Ang tunay na pagmamahal Iniibig kita kahit sino ka man Ikaw na nga Ang hinahanap ng puso Ang...
Mark Carpio - "Bakit Labis Kitang Mahal" Mula nang makilala ka, aking mahal 'Di ako mapalagay Sa kakaisip ko sa 'yo Lagi na lang ikaw ang alaala ko Kahit nasaan ka man Larawan mo'y natatanaw Maging sa pagtulog napapangarap ka Pagka't ang...
Ariel Rivera - "Ayoko Na Sana" Sinabi ko na sa aking sarili Na di na iibig pang muli Nasaktan nang minsan Pilit kong iiwasan Ang iyong ngiti Ayoko na sanang magmahal Ayoko na sanang umibig pa Ayoko na sanang masaktan Ang puso...