"Bawat Hakbang" lyrics

John Roa Lyrics

"Bawat Hakbang"

'Di pa ba nababatid
Ang layo na ng narating ng mga paa
Pero tila ba
'Di pa rin ito sapat
Ginawa naman lahat
Laging kulang pa
Kumpara sa iba

Lahat man ng yaman sa mundo
Ay mapunta sa 'yo
Hindi ka pa rin mabubuo
Ano mang pilit mo
Dahil ang tunay na karangyaan ng buhay ay
Matagal nang na sa iyo
Dahan-dahan kada hakbang

Bawat araw ay pagmasdan
'Di ka hinahabol ng mundo
May nakalaan ang Maykapal para sa 'yo
Oh bawat hakbang

Sa dami ng mga layaw sa mundo
'Di mo namalayang hawak mo na pala
Ng kay tagal mga dating dinadarasal
Tingnan mo nang maigi ang kapaligiran
Lahat 'yan ay biyaya niya
At tanging hiram
'Wag mong sayangin ang pagkakataon
'Di tayo habang buhay nandito

Lahat man ng yaman sa mundo
Ay mapunta sa 'yo
Hindi ka pa rin mabubuo
Ano mang pilit mo
Dahil ang tunay na karangyaan ng buhay ay
Matagal nang na sa iyo
Dahan-dahan kada hakbang

Bawat araw ay pagmasdan
'Di ka hinahabol ng mundo
May nakalaan ang Maykapal para sa 'yo
Dahan-dahan kada hakbang

Bawat araw ay pagmasdan
'Di ka hinahabol ng mundo
May nakalaan ang Maykapal para sa 'yo
Oh bawat hakbang


You May Also Like
Wilbert Ross - "Maaari Ba" Maaari bang makita kitang muli Bago matapos ang lahat ng ito Saglit man lang yakap mong kay higpit Alam kong 'di na mararamdamang muli Bawat alaala Ibabaon ko na sa lupa Bawat masasayang araw kasama...
Silent Sanctuary - "14" Inaayos ko ang iyong isipan Ngunit hindi ka nakikinig Lahat na ng bagay ay aking ginawa ngunit Wala parin Ilang beses ko bang sasabihin na Wala nang kwenta ang nakaraan Pero iyong pinipilit Ikaw...
Jr Crown & Thome - "Second Chance" Kung noon ko pa nadama at nakita ang iyong halaga Di na sinayang ang mga panahong kasama ka Pinagsisihan ang nangyari Lubos na nanghihinayang at umaasang mabalik yung dating Tayong dalawa, mahal di...
Pricetagg - "Aminin" Di ko man aminin, yeah Di ko man aminin, yeah (Mark beats) Di ko man aminin Di ko man aminin pero kita mo sakin Dalangin palarin na ika'y mapasakin Gusto kang ibigin kahit pa nga alanganin Kaya...
Juan Caoile & Kraytuss - "Maldita" Gustong gusto kitang makita Dalagang pilipina na ubod ng maldita Ibang iba sa nakikita Sa taglay mong ganda nung unang kita ko ay nahalina Oh maldita, please halika! Gusto ko lang naman ikaw ay...