"ikaw." lyrics

"ikaw."

Gabi-gabi nalang, paulit-ulit ang lungkot
Pasensya'y nadarang, na tila ba ay tagtuyot
Hindi ko na alam kung anong pwedeng igamot
Sa pusong kong nababagot, na tila ba nanlalambot

Nang dahil sa haliparot na pag-ibig na 'yan
Hindi ko maintindihan, at napatitig hanggang
Sa mapaisip nalang, ano ba'ng kailangan
Para muling makabalik sa dating kasiyahan

Magpapanggap na lang, na okay ang lahat
Kahit alam ko sa sarili kong hindi ako sapat
Masyado bang naging tapat, matayog ba aking lipad
Kaya pala nung nasibat, agad-agarang bumigat

Aking pakiramdam, unti-untian nang nahihibang
Walang pakialam, gusto'ng may mapagtitripan
Iba-iba nalang, ang aking para-paraan
Makalimutan lang ang panauhin ng nakaraan

But I just wanna say this from my heart
It's always been you, from the start
I'll think of wherever you are
I'll think of you underneath the stars

But I just wanna say this from my heart
It's always been you, from the start
I'll think of wherever you are
It's always been you from the start

Pikit-matang nakahilata nalang sa kama
Pilit nalang inaalala ang pagsasamang
Tinangay na ng panahong walang paalam
Hangad ko pa naman na balikan mga pangarap

Na naibaon na sa kahapon, takot man na hukayin
Dat wala ring magbabago, balik pa rin sa dating
Kasarinlan ang hangarin, lumaya ang dalangin
Kaya di magawang sarili'y aking patawarin

'Di mo lang alam, ang aking pinagdadaanan
Ika'y banggit-pangalan, sa tuwing oras ng dasalan
Tanging kaligayahan, ang aking laging hangarin
Sa byahe ay pagpalain, mangyari iyong dalangin

Kahit malayo na ang aking narating
Magaganda na ala-ala nati'y aking dadalhin
Saanmang dako tangayin, pangako ay andyan pa rin
Na di ibabaon sa limot ating mga sandali

But I just wanna say this from my heart
It's always been you, from the start
I'll think of wherever you are
I'll think of you underneath the stars

But I just wanna say this from my heart
It's always been you, from the start
I'll think of wherever you are
It's always been you from the start


EP: "wake up" (2022)
Mac Mafia - wake up EP cover
You May Also Like
Kris Delano - "Alak Usok Pera" (Mark beats) Alak, usok, pera, pera, yan ang gusto ko Alak, usok, pera, pera, yan ang gusto ko Alak, usok, pera, pera, yan ang gusto ko Alak, usok, pera, pera, yan ang gusto ko Gusto ko Kanina pa...
Kiyo - "Dantay" Pinilit umakit ng suwerte, palaisipan pinalawak Pinakiusapan ang hangin, pinaamo ang pinakamatapang Pinapalayo ang aking balwarte hanggang maligaw, sige, abante Hindi lumingon, dinala ko pa din ang...
Fern. - "Lie 2 Me" It was a mess but we just never knew I know you did everything you could do Our love was red and now it turned to blue It was the only way to know the truth But when I see you it hurts, when I see...
Just Hush - "Maikee's Letters" Bakit ang daming sinasabi ng mga tao sa paligid? Kesyo 'di raw tayo bagay, lumayo ka na Ako daw ay sinungaling, lolokohin ka Iiwanan 'pag nakuha na ang gusto niya Sana lang ay 'wag kang makinig sa...
Alisson Shore - "Overdose" Girl (sheez), I'mma overdose Your medication's what I want Girl (sheez), I'mma overdose 'Cause everyday, you are my drug Kalma lang, sinambit niya Nang hawak ang aking kamay At katawan Naramdaman...