"Bahagya" lyrics

"Bahagya"

Pagkakataon
Palaging napapalampas
Sa bawat tinginan
Ako'y umiiwas
Na parang tanga
Kung 'yun naman talaga
Ang hinahangad
Kong mangyari sa'ting dalawa

'Di naman sa nagmamaldita
'Di lang marunong na landiin ka
Mga binata'y mahilig na maghabol
Pero iba ka pala

Hahakbang papalapit sa'yo
Kahit na kinakabahan
'Di masyadong nagpapahayag
Pero aking susubukan
Alam kong malayo pa
Pero malayo na
Nang sinabi kong "gusto kita,"
Kinilig ka ba nang bahagya?

Kinilig ka ba nang bahagya?

Mapanlinlang ba
Hinahon kong pinapakita?
Sa totoo lang, malapit ko nang
Hindi to makaya
Kung hindi lang ako
Nagtitipid ng katapangan
Baka hindi lang sa
Tinginan ating tinunguhan

'Di naman sa nagpapakipot
Oras lang ay masalimuot
Lalo na't bago ang danas
Ikaw aking lunas
Sana'y maintindihan
Kung bakit ako'y

Hahakbang papalapit sa'yo
Kahit na kinakabahan
'Di masyadong nagpapahayag
Pero aking susubukan
Alam kong malayo pa
Pero malayo na
Nang sinabi kong "gusto kita,"
Kinilig ka ba nang bahagya?

May hikbi sa bugso ng aking nararamdaman
May lambing sa pag-uunawa mo
(Pag-uunawa, uunawa mo)
May bigat ng konsensya kung hahayaan kong
Pangalanan kung ano man talaga ito

May hikbi sa bugso ng aking nararamdaman
May lambing sa pag-uunawa mo
(Pag-uunawa mo)
May bigat ng konsensya kung hahayaan kong
Pangalanan kung ano man talaga ito

Hahakbang papalapit sa'yo
Kahit na kinakabahan
'Di masyadong nagpapahayag
Pero aking susubukan
Alam kong malayo pa
Pero malayo na
Nang sinabi kong "gusto kita"
Kinilig ka ba nang
Bahagya, ah

Kasi ako oo
Sasabog na ang
Ang aking puso! Oh!


Writer(s): Mariah Deborah
You May Also Like
Syd Hartha - "ako naman muna" Parang kasalanan ang mapaibig sayo Ayoko na muna Ibang aliw sa piling ng isa't isa Pero ba't bumibitaw 'pag may nakatingin na iba? 'Di ka naman ganyan kanina Parang kasalanan ang mapaibig sayo...
shirebound - "sibuyas" Dehins kita iniisip Naghihiwa lang ako ng sibuyas Lagi na lang nagsisisi Sa ginawang pagpatay ng oras Busy-busyhan lalong mukhang ewan Busy-busyhan Bawat tapak pasulong ay may kasunod Na dalawang...
Belle Mariano - "Like You" Like you Like you Like you Like you Like you Nobody nobody out there just like you Like you Like you Like you Like you Like you Nobody like you I can't believe that you were made for me A future...
rhodessa - "Antukin" Iniwan ka na ng eroplano Okay lang, baby, huwag kang magbago Dito ka lang humimbing sa aking piling, antukin Kukupkupin na lang kita (kita, kita, kita) Sorry, wala ka nang magagawa Mahalin mo na...
fitterkarma - "Bampira" Ang saya kung bampira lang tayo Nang habambuhay, ika'y kasama ko Tulad ng pag-ibig ko sa'yo Walang kamatayan kung ihahatid sa'yo Lalakbayin natin ang mundo Pati ibang planeta kung mabitin man tayo...