"Kastilyong Buhangin" lyrics

"Kastilyong Buhangin"
(originally by Basil Valdez)

Minsan, ang isang pangako'y maihahambing
Sa isang kastilyong buhangin
Sakdal-rupok at huwag 'di masaling
Guguho sa ihip ng hangin

Ang alon ng maling pagmamahal
Ang siyang kalaban niyang mortal
Kapag dalampasiga'y nahagkan
Ang kastilyo ay nabubuwal

Kaya't bago natin bigkasin ang pagsintang sumpa
Sa minumutya, sa diwa't gawa
Pakaisipin natin kung pag-ibig ay wagas
Kahit pa magsanga ng landas

Minsan, dalawang puso'y nagsumpaan
Pag-ibig na walang hanggan
Sumpang kastilyong buhangin pala
Pag-ibig na pansamantala

Kaya't bago natin bigkasin ang pagsintang sumpa
Sa minumutya, sa diwa't gawa
Pakaisipin natin kung pag-ibig ay wagas
Kahit pa magsanga ng landas

Minsan, dalawang puso'y nagsumpaan
Pag-ibig na walang hanggan
Sumpang kastilyong buhangin pala
Pansamantala, luha ang dala

'Yan ang pag-ibig na nangyari sa atin
Gumuhong kastilyong buhangin


You May Also Like
Rey Valera - "Hindi Kita Iiwan" Hindi kita ii-wan Ang sagot ko sa puso mong laging nagtatanong Hindi kita masisisi, ako ma'y nangangamba Pagkat hindi natin batid ang ating bukas Halik na nagbibigay ng pag-asa Mga yakap na...
Wency Cornejo - "Hanggang" Ilang ulit mo bang, itinatanong sakin Kung hanggang saan,hanggang saan, hanggang kailan Hanggang kailan mag tatagal Ang aking pag mamahal Hanggang may himig pa akong naririnig Dito sa aking...
Daryl Ong - "Ikaw Na Nga" Parang biro lamang Dumating ang tulad mo At may isang pag ibig na tapat at totoo Dahil sayo'y naramdaman Ang tunay na pagmamahal Iniibig kita kahit sino ka man Ikaw na nga Ang hinahanap ng puso Ang...
South Border - "Tear To Fall" I see you again Funny but you're holdin' Somebody else's hand You again Don't you know that you Made a hole in my heart Oh girl I've been so blind Hopin' that the sun would Shine right by my side...
Neocolours - "Say You'll Never Go" How can I make it through the day Without you You have been so much a part of me (And if you'll go) I'll never know what to do How can I carry on my way The memories When all that is left is the pain...