"Lala" lyrics

"Lala"

Nakakatamad lang magsimula ulit
Yung tipong baka 'di mo trip kung pano 'ko manamit
Yung mga pamantayan mo baka 'di ko makamit
Baka mas gwapo rin yung ex mo at hindi ko ma-reach

Pero sige pa rin at ako ay nag-DM
Tanong sa 'yo kung anime o K-Drama ang hilig
Tuloy-tuloy usapan at ayoko na matigil
Niyaya na magkita at hindi na makapigil

Laging sagot ay buxy ka o merong duty pa
Baka hindi mo ako type o kaya choosy ka
Sumubok pang isa, at sa wakas ika'y um-oo
Sa Lunes magkikita, markado sa kalendaryo

Agad nag-click tayong dalawa
Hindi nakapag-pic, puro usap talaga
Kakalilala ko lang sa 'yo pero bakit gan'to?
Sobrang pamilyar agad sa akin yung presensya mo

Pwede palang mangako nang hindi basta napapako
Pwede rin palang umibig nang madali
Hindi nag-iisip kung may nagawa ba 'kong mali

Pwede palang pag-usapan ang ating pinagdadaanan
Nakakapanibago lang na sobrang dali
Kasi dati para bang ang hirap kong mahalin. Yeah

Nung medyo tumagal ay pinakilala na kina mama
Dun ko rin nakita na magaling kang makisama
Kung titingnan parang matagal na magkakilala
Hay nako, sino ba kasi yung nag-akala na

Pwede pala 'to?
Pwedeng tama rin ako?
Pwede pala yung nagbibigayan tayo
Kahit minsan magulo
O kaya nagtatampo
'Di kailangan usap natin ay malabo

Sorry. Ang daming alam
And dami ko pang ebas
Pero sa totoo lang, yung mga gusto kong iparating sa 'yo, pwede naman ibuod sa ganito eh

Lala
Gusto kita
Sana ikaw na talaga nakatadhana

Pwede palang mangako nang hindi basta napapako
Pwede rin palang umibig nang madali
Hindi nag-iisip kung may nagawa ba 'kong mali

Pwede palang pag-usapan ang ating pinagdadaanan
Nakakapanibago lang na sobrang dali
Kasi dati para bang ang hirap kong mahalin. Yeah


Writer(s): Jun Matthew Brecio
You May Also Like
Ron Henley - "DSL" Daanang kanina'y tuwid panay kurba Mga tahi-tahing pangungusap ang nagpakulay sa burda Ramdam mo ba yung alon handa na kong masuka Tara pumasok na sa pintuan bago pa magsara Gan'to pala pag...
Nik Makino - "ABKD" Saakin ka sumama ikaw lang at ako Mundo mong madrama kalimutan na naten yan oh Saakin ka sumama libutin ang buong mundo Sayo akong bahala kumapit ka lang oh Ikaw oh ikaw oh ikaaaaw Ikaw ang gustong...
Soulstice - "UTANG" Napakadali na magpautang pero napakahirap na maningil kapagka bayaran na (woah) Magpo-post sa Facebook ng mga bagong bili na gamit pero ang totoo naman no'n baon siya Bayad-bayad din kasi 'pag may...
Geo Ong - "Don Angelo" Elementarya pa lang ako na madalas na makatsyawan pagkat isa Ako sa mga walang wala sa paaralan pumapasok na walang kain May bitbit pang mga pasanin habang suot uniporme kong dalawang araw ng...
Zack Tabudlo - "Iyong Iyo" Landas natin ay pinagtagpo Kahit 'di natin plinano Tinakdang pangako na mahulog ako sa'yo Unang pagtingin alam ko na Ikaw ang bubuo sinta, ng aking mundo Pati na rin ang puso Sa ating paglalakbay,...