"DSL" lyrics

"DSL"
(feat. Jameson & Djmomukhamo)

Daanang kanina'y tuwid panay kurba
Mga tahi-tahing pangungusap ang nagpakulay sa burda
Ramdam mo ba yung alon handa na kong masuka
Tara pumasok na sa pintuan bago pa magsara
Gan'to pala pag nagbabalat ang langit kulay kalabasa
Tubig na nagmula sa nawasa naging prutas ang lasa
Mga salitang nagkasundo mensahe'y pasa-pasa
Mga numero sa mundong ito tila may pinapabasa
Yung nasa dingding ay nagsasalita sirang plaka
'Di kaya pinaglalaruan lang ako ng utak ko at ako mismo ang taya
Kaya di nagpabaya baka tuluyang maligaw mawala
Kasabay kong huminga ang aming kisame't sahig
Naging larawan ang nagkaisang mga butas ng banig
Ingat lang sa pagpanik pagkat sadyang matarik
Basta tandaan mo lang ang daan pabalik

Kapit ka lang maigi wag mo kong bibitawan
Ramdam ko ang hiwagang bumabalot sa liwanag na bumabanda sa buwan
Ibig ko lang sabihin wag mo kong iiwanan
Bago magamit yung duyan kailangan daw munang yung papag ang unang mahigaan

Bulag man ako sa oras nasipat ko naman ang katotohanan sa likod ng kalawakan
Nakita ko sila ngunit di ko mahawakan
Baka lang maabala at mukha naman silang masayang nagsasayawan
Mga guhit na nag-uugnay sa pagitan ng mga bituin
Nagiging tigre yung isa sa mga dating nailigaw na kuting
Ang mga pira-pirasong pangarap na kelangan pang buuin
Tinanim sa lupang bibihira tumaba kaya ayaw nilang dakutin
Buhat nung ako'y naliwanagan
Isang malubak na lansangan naging bagong kapatagan
Kung walang pusong pinayayaman
Isa lamang pangit na pulubi ang kayamanan
Ang buhay man ay maulan
Pero tandaang tubig ang dahilan kung ba't may kakahuyan
Ingat lang sa pag-akyat sapagkat sadyang matarik
Basta tandaan mo lang ang daan pabalik

Kapit ka lang maigi wag mo kong bibitawan
Ramdam ko ang hiwagang bumabalot sa liwanag na bumabanda sa buwan
Ibig ko lang sabihin wag mo kong iiwanan
Bago magamit yung duyan kailangan daw munang yung papag ang unang mahigaan

Ako'y binala sa pana
Hinila pabalik sa pagiging bata
Pinakawalan ang nakaraang nanggigitata
Umaasang sa gitna tatama

Ang gabi ay lumalalim
Ako'y lumulutang sa salbabidang punong puno ng sariwang hangin
Nung pumutok ako'y lumubog sa ganda ng tanawin
Kaliwa't kanang tawanan sari-sari ang pagkain
Di ko akalain ang pagiging mahiyain
Ang aking daan upang maging malikhain
Di ko man marinig ang sinasabi nila sakin sa labas
Sarado man ang dalawang pintuan kita ko sila sa bintanang nakabukas
Kasabay kong huminga ang aming kisame't sahig
Nagkabit-kabit na nga ang mga butas ng banig
Ingat lang sa pag-akyat sapagkat sadyang matarik
Basta baybayin mo lang ang daan pabalik

Kapit ka lang maigi wag mo kong bibitawan
Ramdam ko ang hiwagang bumabalot sa liwanag na bumabanda sa buwan
Ibig ko lang sabihin wag mo kong iiwanan
Bago magamit yung duyan kailangan daw munang yung papag ang unang mahigaan

Ako'y binala sa pana
Hinila pabalik sa pagiging bata
Pinakawalan ang nakaraang nanggigitata
Umaasang sa gitna tatama
Ako'y binala sa pana
Hinila pabalik sa pagiging bata
Pinakawalan ang nakaraang nanggigitata
Umaasang sa gitna tatama


Writer(s): Ron Joseph Henley
You May Also Like
Smugglaz - "Resbakkk" 'Kala nyo ganun nalang tuk-kahin ang nilalang Para na 'di na magawang balikan ang iba pang Dapat kung patunayan ay sana dumali kayo Kung akala nyong ganun lang kadali maging ako 'Kala nyo ganun...
Shanti Dope & Mhot - "Basic" Yo yo eto na babanat na babaha ng letra kailangan mo magbangka Abot hanggang bewang parang nasa dagat ka Kahit walang okasyon lagi akong naghahanda Kulubot na yung bayag hindi padin nagtatanda Sarap...
Psychedelic Boyz - "Ultimatum" Dalawang libo at labing walo Malamang dito na maging abo Yung mga napakagaling manguna Kasi nauna Ang totoo Imahinahina-hangad kami ang kamukha Merong mala pusa merong mala tigre Minsan makisali At...
Geo Ong - "Breadwinner" Bakit ba ganito Tanong ko lang, mahalaga ba ako sa inyo Bakit parang ako lang ang may pasan nito Pamilya ko nga ba talaga kayo Sana'y, mahalin niyo rin ako, oh Lahat ay gagawin ko, ooh Para sa inyo...
Jnske & Yuridope - "Band Aid" Hey it's you Thank God you picked up I'm sorry it's pretty late already over there I hope I'm not bothering you Nag-umpisa sa ganito Sa tuwing ako'y binibiro mo Parang kakaiba na pagdating sa'yo Iba...