"OKAY" lyrics

"OKAY"
(feat. Rhyne)

Handang
Handa
Ako sa rutang dadaanan kahit matarik
Hindi ko hahayaang, hayaang
Mapunta sa wala lahat ng aking tinanim

Handang
Handa
Ako sa kalalabasan kahit ano mang kapalit
Wag lang mabalewala ang
Wag lang mabalewala ang

Aking tinanim
Hindi na bago dito pero still nakatayo
Mula kung saan pa man galing ay nakalayo
Ano ang gagawin mo pag lahat napasayo?
Ang sagot sa mga tanong palaging nasasayo

Napasaya hindi mabilang may napasayaw
Antimano di maririnig to kung napa-ayaw
Kaya sa gusto kong maging ako'y napatanaw
Ngayon tamang kwento na lang sa mga natatanaw

Nagkalinaw yung malabong mga sulat
Tila ba nilapat sa tunog yung mga sugat
Nagulat yung iba yung iba namulat
Bigat na lagi kong pasan tila biglang nabuhat

Kata sabi ko ngayon pa ba titigil
Kaya ko na kaltukan kung sino mang pipigil
Di na para sa kinabukasan kabahan
Susubukan lang palagi hanggang sa machambahan

Di ko masisi ang aking sarili
Bat sa dinami dami ito ang napili
At ilang ulit ko mang itong isipin
Di na mag babago kahit 'nong sabihin

Di ko masisi ang aking sarili
Bat sa dinami dami ito ang napili
At ilang ulit ko mang itong isipin

Handang
Handa
Ako sa rutang dadaanan kahit matarik
Hindi ko hahayaang, hayaang
Mapunta sa wala lahat ng aking tinanim

Handang
Handa
Ako sa kalalabasan kahit ano mang kapalit
Wag lang mabalewala ang
Wag lang mabalewala ang

Aking tinanim

At sa wakas nasaksihan ko din yung ahihan
Kaya di na para mga sablay pa ay gantihan
Nagkusang lumago mula sa pagkatuto
Nasuklian din kase ibang klase pagkatutok

Hinaharap literal nasa yong mga kamay
Pwedeng makipagsabatan peto wag magpatangay
Konti lang yung kasama basta lahat sasabay
Kung sakaling maligaw man alam na may gagabay

Natuto lang din talaga sa mga kupal
Kata hindi ko inugali na mangupal
Mundo'y maliit oras limitado
Susulitin parang sa handaan imbitado

Alam mo na kung sino to kaya wag magtaka
Nagbakasakali lang din naman hanggang makapa
Panoorin kung saan na ba patungo
Plano paabutin pa to dun hanggang sa dulo

Di ko masisi ang aking sarili
Bat sa dinami dami ito ang napili
At ilang ulit ko mang itong isipin
Di na mag babago kahit 'nong sabihin

Di ko masisi ang aking sarili
Bat sa dinami dami ito ang napili
At ilang ulit ko mang itong isipin

Handang
Handa
Ako sa rutang dadaanan kahit matarik
Hindi ko hahayaang, hayaang
Mapunta sa wala lahat ng aking tinanim

Handang
Handa
Ako sa kalalabasan kahit ano mang kapalit
Wag lang mabalewala ang
Wag lang mabalewala ang

Aking tinanim


You May Also Like
CLR - "Kainis" (Buti sayo napunta, tinanggap mo nung wala Walang wala ako nung araw At di yun yung nirason mong sabihin sa akin Di ka tumingin sa salapi) Kuha mo'ng aking inis Huling huli mo na parang pinulis...
1096Gang - "Gawin" Buhay ay hindi laro Kumikilos 'di nag-aantay Handang tawirin ang dagat upang abutin pangarap Lutang na sa kahahanap ng kung ano ba ang dapat gawin Buhay ay hindi laro Kumikilos 'di nag-aantay Lagi pa...
Shanti Dope - "Teknik" Habang tumatagal ay mas inaalam Para sa'n ko to ginagawa no'ng simula pa lang Musika man ang naging bibig na ng isipan ko May mga nagdaang rason pa din para tigilan 'to Alam ko nang dito na 'ko...
Jr Crown, Kath, Cyclone & Young Weezy - "Malayo Ka Man" Malayo ka man, mahal, lagi mong tandaan 'Di magbabago, pag-ibig ko'y sa 'yo lamang Magtiwala ka lang, tawid-dagat man ang pagitan nating dalawa 'Di 'yun makakahadlang kahit malayo ka man Mahal,...
Soulstice - "Kabet" Wala namang may gusto na maging pangalawa Ohh nakapili ka na ba Kung sino sa 'ming dalawa Kung sino sa 'ming dalawa ang mas mahalaga Ohh ang mas mahal mo talaga Kung ayaw mong sundan ka ng tukso 'Wag...