"Yakapin Natin Ang Gabi" lyrics

"Yakapin Natin Ang Gabi"

Kapag nag-iisa at napapaisip ka
Huwag na huwag mong hahayaan
Malungkot sa mga pinagdaanan

Manaog at silipin ang buwan at bituin
Sumabay sa huni ng mga pipit
At ako'y iyong hintayin

Yakapin natin ang gabi
Ipihit ang mga binti
Kalimutan lahat ang mga pighati
Damhin ang bawat sandali
Sisikat din ang haring araw
May panibagong yugto
Na sayo'y nag-aabang
Kaya't huwag manghinayang (manghinayang)
Pagkat may bagong-araw (bagong-araw)
Kaya't huwag manghinayang (manghinayang)
Pagkat may bagong-araw (bagong-araw)

Kapag nangangamba at hindi mapakali
Sa mga bukas na paparating
Tiyak na maiibsan natin

Umikot na ang plaka
Tangnan ang aking bisig
Sabay sa ritmo ng ating dibdib
Halina't sayawin

Yakapin natin ang gabi
Ipihit ang mga binti
Kalimutan lahat ang mga pighati
Damhin ang bawat sandali
Sisikat din ang haring araw
May panibagong yugto
Na sayo'y nag-aabang
Kaya't huwag manghinayang (manghinayang)
Pagkat may bagong-araw (bagong-araw)
Kaya't huwag manghinayang (manghinayang)
Pagkat may bagong-araw

Mapanlinlang ang kalungkutan, lumaban ka
Mapagbalatkayo ang panghihinayang
Tanggapin mo lang lahat ang hindi natin mababago
Pagka't ang buhay ay sadyang ganyan

Yakapin natin ang gabi
Ipihit ang mga binti
Kalimutan lahat ang mga pighati
Damhin ang bawat sandali
Sisikat din ang haring araw
May panibagong yugto
Na sayo'y nag-aabang
Kaya't huwag manghinayang (manghinayang)
Pagkat may bagong-araw (bagong-araw)
Kaya't huwag manghinayang (manghinayang)
Pagkat may bagong-araw (bagong-araw)


Writer(s): Clem Castro
You May Also Like
Autotelic - "Hindi Alam" Paulit-ulit na lang parang walang nag-iba Sabi mo pakinggan naman ang isip, 'di ba? 'Di naman parating tama ang sinasabi Ng damdamin minsan mabuti pang pumili Sino ba ang kakampihan? Ang naiisip o...
Reese Lansangan - "Tenderfoot" I feel a weight that's heavier these days No, I am not quite hurting, but I think that I'm in pain I look at photographs of myself and they insist There's nothing wrong but if there isn't Why am I...
Join The Club - "Balewalang Pag-Ibig" Mga puwang sa isipan Mga kulang na 'di mapunuan Oras na sadyang sinayang Ngayon ako ay wala ng matatakbuhan Malimit akong masaktan "oo" Ngunit hindi na naisip ang para sa'yo Pasensya na kung ako ay...
Gracenote & 6cyclemind - "Flynn Rider" Darling I am struggling Sucking all my problems Hoping that someone would hear me sing Are you sick of waiting? Staring at the ceiling I am out here though I'm not a prince But you can be my Romeo...
Silent Sanctuary - "Ikaw Lamang" Di ko maintindihan Ang nilalaman ng puso Tuwing magkahawak ang ating kamay Pinapanalangin lagi tayong magkasama Hinihiling bawat oras kapiling ka Sa lahat ng aking ginagawa Ikaw lamang ang nasa isip...