"Kaakit-akit" lyrics

"Kaakit-akit"

Nakatingin, hindi alam ang gagawin
Nauutal, ano bang dapat kong sabihin?

Nababaliw, 'di mapigilan aking pagngiti
Pagka ika'y sumasagi sa'king isip

Pag-ibig na ba talaga itong nadarama
(Teka lang, parang ang bilis masyado)
Nangungulila na sa'yo bago pa makilala
(Pag-ibig nga ba talaga? Pag-ibig ba?)

Kaakit-akit, nauulol sa iyo
Sa tuwing lalapit tanggal ang angas ko
Ika'y iibigin, iaalay ang mundo
At sasabihing ika'y kaakit-akit

Mapapansin mo kaya ang aking pagtingin
O lakambini na laman ng panalangin?

Sumisigaw, 'di makatulog dahil sa kilig
Gusto ko lang naman ikaw ay makapiling

Pag-ibig na ba talaga itong nadarama
(Teka lang, parang ang bilis masyado)
Nangungulila na sa'yo bago pa makilala
(Pag-ibig nga ba talaga? Pag-ibig ba?)

Kaakit-akit, nauulol sa iyo
Sa tuwing lalapit tanggal ang angas ko
Ika'y iibigin, iaalay ang mundo
At sasabihing ika'y kaakit-akit

Pag-ibig na ba talaga itong nadarama
(Sige lang, 'wag nang pinapakomplikado)
Nangungulila na sa'yo bago pa makilala
(Pag-ibig nga! Siya talaga! Pag-ibig nga!)
Gumuho man ang mundo 'di ka mag-iisa
(Mananatili at hindi 'yon magbabago)
Habang buhay, magkasama tayong tatanda, aaah

Kaakit-akit, nauulol sa iyo (nauulol sa'yo)
Sa tuwing lalapit tanggal ang angas ko (tanggal ang angas ko)
Ika'y iibigin, iaalay ang mundo (sa'yo iaalay ang mundo)
At sasabihing ika'y kaakit-akit

Ika'y kaakit-akit
Ika'y kaakit-akit


Writer(s): Joshua Rafael Buizon, Joshua Caleb Lua
You May Also Like
Hev Abi - "Alam Mo Ba Girl" Mamaya na 'ko uuwi (Mamaya na 'ko uuwi) At nagising ang erpat mo (Kasi) At hindi niya alam na nandito 'ko sa kwarto mo (Nandito 'ko sa kwarto mo ngayon) Yeah-yeah, uh (Lahat ng mga hinahanap ko,...
rhodessa & mrld - "sa'yong sa'yo lang ako" Hoy paano kung may sasabihin ako sa 'yo Ako sa 'yo Paano kung sinabi kong ikaw na ang aking gusto, mahal ko 'Wag mo akong tingnan ng ganyan Dahil kinikilig ako sa 'yo Paano kung Samahan mo ang puso...
TONEEJAY - "711" Balang araw masusulat ko kaya Ang kanta na bibili ng bahay sa Santa Rosa Maglalagay ako ng 7/11 Sa highway kahit ayaw kong maging kapitalista At bibili ako ng kotse Kasi sabi mo bawal ang mag-motor...
Eraserheads - "Ligaya" Ilang awit pa ba ang aawitin, o giliw ko? Ilang ulit pa ba ang uulitin, o giliw ko? Tatlong oras na akong nagpapacute sa'yo 'Di mo man lang napapansin ang bagong t-shirt ko Ilang isaw pa ba ang...
Autotelic - "Languyin" Ikaw at ako magkaibang mundo Karagatan ang pumapagitan sa atin Handa na akong tawirin ito Makuha lang kung anong alam kong sa akin Mundo ko'y baliktarin, Babalik-balik ka rin Tila di nauubusan ng...