"Gaya Ng Dati" lyrics

"Gaya Ng Dati"

Dati-rati, laman ng puso mo ay ang pangalan ko
Lagi ako sa isip mo
Dati-rati, inaawitan pa, labi ay may ngiti
Mga mata'y nagniningning
Ngunit ngayon, nagbago ka
Nasa'n na ang init ng pagsinta?
Pangako mo'y hindi magwawakas
'Di ba't noon, samyo ng bulaklak
At ihip ng hangin ay kapansin-pansin?
'Di ba't noon, takbo ng oras ay 'di mo napapansin?
Laging naglalambing
Ngunit ngayon, naglaho na
Sigla't tamis ng 'yong pagsinta
Pagmamahal ko ba'y kailangan pa? Oh
Dati-rati, mga pangako ko'y kandungan mo't lakas
Sa pagsubok, kay tatag
'Di ba't noon, sa kaibigan mo'y ako'ng bukambibig?
Bakit ngayo'y anong lamig?
'Di mo alam, ako'y nasasaktan
Sa 'di pagpansin sa 'king pagmamahal
Lumapit ka't ako'y naghihintay
Naghihintay, oh
Ako'y nasasaktan
Sa 'di pagpansin sa 'king pagmamahal
Lumapit ka't ako'y naghihintay

'Di mo alam, ako'y nasasaktan
Sa 'di pagpansin sa 'king pagmamahal
Lumapit ka't ako'y naghihintay
Panginoon, ako'y nabulag ng mandarayang mundo
Ako ay patawarin Mo
Mula ngayon, ang buhay kong ito'y iaalay sa 'Yo
Gamitin Mo ako gaya ng dati
Gaya ng dati
Gaya ng dati


Writer(s): Al Termulo
You May Also Like
Alamid - "Your Love" You're the one that never lets me sleep To my mind, down to my soul you touch my lips You're the one that I can't wait to see With you here by my side I'm in ecstasy I am all alone without you My...
Neocolours - "Hold On" Hey, baby, how's life been movin' on? I can't deny it, now you are gone This is the first time Can I make it through? Without you now, do the things I used to do It's getting harder to ease the...
SUD - "Dumaloy" Halos tatlong bilyong tibok din ang binilang Bigla na lang silang nagkulang Lumalala sa pagtagal ng ating pagsasama 'Di ko naman iniinda Para 'san pa ang mahabang buhay Kung hindi ikaw ang kasama...
Kitchie Nadal - "Makulay Na Buhay" Unti-unting napag-iiwanan ng panahon Sa aking paglalakbay Mula hilaga, timog, silangan Di mapipigil marating lang ang kanluran Kapalaran na ika'y matagpuan Taglay mo ang liwanag sa makulay na buhay...
Jennifer Love Hewitt - "(Our Love) Don't Throw It All Away" Maybe I don't wanna know the reason why But lately you don't talk to me And baby I can't see me in your eyes I hold you near but you're so far away And it's losing you I can't believe To...