"Telepono" lyrics
"Telepono"
Nagring ang telepono alas kwatro ng umaga
Ang sabi ko 'hello, sino ito?'
Di ka nagsalita
Tinanong ko 'henny, ikaw ba yan?'
Sumagot ka 'oo'
Ikaw ay umiiyak
Di ako kumibo
Matagal tayong tahimik
Tapos bigla kang umimik
Iyong ikinuwento na nanggaling ka sa clinic
Tinanong kita kung bakit at sinabi mong meron tayong problema
Dahil sa pregnancy test mo kay doktora
Ikaw ay pumasa
Wala akong nasabi
Ay teka muna meron pala
Naitanong ko sa iyo kung sigurado ka ba talaga
Sigurado ka ba na ako
Sagot mo sa akin 'oo gago'
Di ko alam ang gagawin
Hindi ko alam so bigla kong hi-nang
Kunwari bigla na lang naputol
Masyado pang maaga
Baka hindi ko kaya
Di ko alam ang gagawin
Hindi ko alam
Hindi ko alam
Sinagot ko ang telepono alas singko ng umaga
Ang sabi ko 'oh, ba't mo binaba?'
Di ka nagsalita
Tinanong ko 'so ano ngayon ang plano mo?'
Sumagot ka 'ikaw?'
Sumagot ako 'ako? bakit ako? ikaw'
Sumagot ka 'bakit ako lang?'
Bigla kong natauhan
Pareho tayong may kasalanan
Imbes na makipag-away
Lumunok ako ng konting laway
Eto ang ating gagawin
Pag-iigihan natin
Isipin natin ang kailangan
Ano kaya ang magandang pangalan
Writer(s): Parokya Ni Edgar
- AZLyrics
- P
- Parokya Ni Edgar Lyrics
album:
"Halina Sa Parokya" (2005)
You May Also Like
Join The Club - "Handog" Parang kailan lang
Ang mga pangarap ko'y kay hirap abutin
Dahil sa inyo
Napunta ako sa aking nais marating
Nais ko kayong pasalamatan
Kahit man lamang sa isang awitin
Parang kailan lang
Halos ako ay...
Sampaguita - "Tara Na" Sumisigla ang paligid kung ito ang tugtugan
Dala nito'y saya at kaligayahan
Ibitaw ang sarili pag ito'y nagsimula
Sakyan mo ang tugtugan wag ka lang mahihiya
Lahat ay sama-sama ang galaw ay iisa...
Jireh Lim - "Diwata" Ilang oras pa lamang nang tayo'y nag kita
Sa'yong mga yakap agad nangungulila
Ikaw ang sigla na humahaplos sa'king
Buhay pag nalulumbay
Ang ‘yong mga labi'y humahalimuyak
Pag nasisilayan parang...
Sponge Cola - "KLSP" Sino 'tong nakatingin?
Anghel bang magliligtas sa'kin?
Mga mata'y kanyang minulat sa pagdadalamhati
Hinahanap sa kung saan
Pakpak na hindi mahagilap
Ninanais ko lang naman na maging ganap
Kailangan...
Jericho Rosales - "Di Bale Nalang" Minsan
Sabi niya sa akin sandali na lang
Akala ko naman ay sigurado na ako
Handa kong tanggapin ang kanyang oo
Bgla na lang nagbago ang isip niya
Hindi ko akalain na gano'n pala siya
Pinaasa niya...