"1nthrow" lyrics
"1nthrow"
Nakiangkas sa giniginaw na pulang kabayo
Dalada na sibat ay tulang magarbo
Pinahatid ang mga malalang regalo ko
Sa utak alimango (maluwang na karo)
Gitgitan na kami ng aliwin ng mga pangarap na hindi kaya bilin
Madami man ang pumapantasya bilang lang sa daliri ang pwede tumikim
Mundong inakala kong laro lang
Nasimulan na maging kilala ko na pagkatapos sawayin ng mga karanasan na dala ko piring sa mata
Kinagatan ang trip ng karamihan kahit na hindi madaling nguyain sa panga
Baka naman ay mag yapak ka nalang pag nagpalit tayo ng mga sapin sa paa
Katawa-tawa na isipin, ngayon pa ko nadala sa pagiging
Patapon na malala sa alipin ang mahalaga nabawi rin
May napapala kada gising ko
Sa kama kahit na gipit ako na dumilat ay todo kayod kalabaw
Kahit na walang sahod sa lamesa walang karapatan na mapagod
Kung di na kaya ibigay ni itay ang mga hiling sa dumaan na kometa
Panahon na para ilabas ang mga kaalaman na itinabi ko sa bodega
Ang usapan ba dito karera? Dala ko'y tangke na de kalesa
Bumbilya ko'y alam ko na paganahin ayoko na magtiyaga pa sa gasera!
Ang haring araw ay nakauwi na
Ano kayang ipapakita ko na mukha sa buwan nakangiwi ba
O nakangiti na parang nakakita ng mga hitang mala Ara Mina
Pagkadoble cara pangkaraniwan sa mundo na dalawa lang ang pwede pagpilian
Sumabay sa alon o magpakasalbabida ugh!
Habang sila tanging hangarin di na gumamit pa ng pambura
Akin ay pano pa ba ko sa sariling baho ko mapasuka
Sa dami ng palabukang bibig di ko maiwasan na mapamura
Ako laban sa mga tengang panalang latak lamang ang napuna
Kaya kung bakit ba ko nandito?
Karaniwan na tanong ng ilan
Kahit na sa pagkabalagong nalibang niluwal ako para sa matinong dahilan
Kahit patapon sa ilan pagkakataong hiniram nagkaron parin ng dahilan
Para umasa na dumating ang panahon ng napakalagong anihan
Pinili ang mga dapat kalabanin pero di kung sino ba papalagan
Bago pa gawin na katawa tawa pagkatao na di nila tipo makita pinakawalan
Mala Romy Diaz sa sulatang pagiging bida gaganapan sariwang era ko'y abangan
Peke ang mundo na iyong ginagalawan kung ang katotohanan ay hindi mo pa nahubaran!
Writer(s): Lester Paul Vano, Sean Patrick Ramos
- AZLyrics
- S
- Shanti Dope Lyrics
album:
"Shanti Dope" (2017)
You May Also Like
Stick Figgas - "Parisukat" Ang mga butas sa pader ay nakatingin
Mababang kisame ay nakikinig
Sementong sahig ay niyayanig ng mga tawa't pagluha
'Di man umiikot, ito'y nalibot na
Dahil meron lamang apat na kanto itong mundong...
Kris Delano - "Nobody Else" I don't get it cause I used to think you didn't mean too much
All the times we spent n I didn't see what you see in us
Now I'm in my feelin' like this is what it feels to be in love
It took me 1...
Smugglaz - "Blankong Papel" Limot ko na bawat piraso ng mga salitang binulong ng hangin saakin
Sinala ng puso at isip bago ko isinalin
Blankong papel, blankong papel
Blankong papel, blankong papel...
Simula sinumulan para muli...
Pricetagg - "Kartel" Welcome sa kartel
May collection at connection
May action damig tulak pero di to kariton
Sa sobrang daming runner kala mo may marathon
Puro pasa sa scorer tawag sakin ay Lebron
Bago ka ma tiktikan...