"Ako Ang Bagyo" lyrics
"Ako Ang Bagyo"
Pinaikutan mo 'ko, sumunod mundo ko nahilo
Hindi ko inakalang lalaki
Bumigat ang kalungkutan, mga luha 'di napigilan
Hanggang ngayo'y bumubuhos pa'rin
Matakot na kayo
Ako, ako ang bagyo
Kulimlim ng langit sa inyong dalawa
Bulong ko sa hangin, "Sana 'di kayo masaya"
Sa tibay ng bahay na titirhan niyo
Tatangayin ko bawat yero
Dahil ako, ako ang bagyo
Itinago na litrato, kunwaring hindi ko nakita
Takot ka sigurong masalanta ko siya
Tingin mo ba 'di ko kaya? Gusto mo na gusto kita
Tinatali mo 'ko sa pag-asa
Matakot na kayo
Ako, ako, ako ang bagyo
Kulimlim ng langit sa inyong dalawa
Bulong ko sa hangin, "Sana 'di kayo masaya"
Sa tibay ng bahay na titirhan niyo
Tatangayin ko bawat yero
Dilim ng paligid buhos ng emosyon
Tunog ng pag-ibig sa sama ng panahon
Sa tibay ng bahay na titirhan niyo
Gigibain ko mga pader niyo
Dahil ako, ako ang bagyo
Lahat ng hahawakan ko lagi, sa'kin na lumalayo
Lahat ng tao na nariyan, sa tuwing lalapit ay nasasaktan
At pag nag-sawa na sila sa akin, pag wala na sa'kin na nakatingin
Pag hindi na'ko nakakatawa, ako yung lagi na naiiwan mag-isa
Kahit pa na subukan ko ang lahat ng makakaya ko
Hindi pa rin naman 'yon sapat kung iisipin mo
Walang lalapit kung puro lang sugat ang matatamo nila
At sa tagal ko na binitbit, ang bigat nitong pag-ibig ko
Konting galaw mo lang ay kidlat na 'gad sa dibdib ko
'Di ko naman gusto na saktan kita
Kaya mag-ingat ka
Ako ang
Kulimlim ng langit sa inyong dalawa
Bulong ko sa hangin, "Sana 'di kayo masaya"
Sa tibay ng bahay na titirhan niyo
Tatangayin ko bawat yero
Kahit pa matunaw ako
Dahil ako, ako ang bagyo
- AZLyrics
- S
- SHEAN Lyrics
You May Also Like
Amiel Sol - "Ikaw Lang Patutunguhan" Minamasdan na naman ang kawalan
Ako'y hinahatid ng mga bituin sa 'yo
Sa'n man maglayag
Ikaw lang patutunguhan
At sa aking pagdating
Sa 'yo ko lang sasabihing
Kay palad na ikaw
Ang kapiling ko sa...
Krissy & Ericka - "12:51" Scrolling through my cellphone for the 20th time today
Reading that text you sent me again
Though I memorized it anyway
It was an afternoon in December
When it reminded you of the day
When we bumped...
Rico Blanco - "Wag Mong Aminin" Magsinungaling ka please
Di ko matitiis
Ang mundong ito
Kung di kita kasama
Pwede bang
Maawa ka sakin
Wag mo naman diretsohin
Patalim na alam kong parating
Wag mong aminin
Ang katotohanan
Hindi ko...
Mariah Deborah - "Hibang" Lumiliwanag aking mata sa may dilim
Ikaw pa rin sinta ang aking pinakalihim
Natatakot, naiinis, nanginginig
Sa tuwing naaalala kong tutol sa'tin ang daigdig
Di naman ako OA, pero hirap nang huminga...
Daniel Padilla - "Simpleng Tulad Mo" Alam mo bang may gusto akong sabihin sa'yo
Magmula ng nakita ka'y naakit ako
Simple lang na tulad mo ang
Pinapangarap ko ang pangarap ko
Kaya sana'y maibigan mo ang awit kong ito
Para sayo, dahil.....