"La Luna" lyrics
"La Luna"
(feat. Ron Henley & Yuridope)
[Skusta Clee:]
Bakit 'pag sumapit ang gabi, hanap kita?
Laging nakatingala
Sa t'wing lumalapit ang dilim ay ayos na
Dahil mas nasisilayan ka
La, la luna, la, la luna, la, la luna
Kapag ako'y nag-iisa
La, la luna, la, la luna, la, la
Kapag ako'y nag-iisa
La, la luna, la, la luna, la, la luna
Kapag ako'y nag-iisa
La, la luna, la, la luna, la, la
Kapag ako'y nag-iisa
[Yuridope:]
Nahihibang tuwing nalilibang 'pag ang kapaligiran
Nagsisimulang lamunin ang dilim at nakadama ng panggiginaw
Ang ibig sabihin lang, darating ka na at matitimang
Mabaliw na naman pagka titig sa nakasisilaw sa langit na buwan
Dahil liwanag mo ang pinakamahalaga at pinakaaabangan
Kaya hindi na bale kung balutin ng dilim at matanaw ko'y puro lang itim
O isip ko'y bumaliko sa gilid, ngumawa na mag-isa
O maaning 'pag nand'yan ka, ayun ako, 'di para tumanggi
Aminado ako 'yung dulot mo sa tuwid kong pag-iisip
Ay pang-ulol sa lungkot ko ay pang-supling
Natatawa na lang kaya baka naman
Pwede 'wag ka na lang mawawala, maaga pa naman
'Yoko na nang kaliwanagan kung wala ka lang
Sa katinuan, ayos lang na kumawala
Do'n lang kasi ako merong kaunawaan
Walang magagalit magdamag mang magsayang
Ng oras buong gabi puro kabaliwan
Palagi man magsawa d'yan, malabo, d'yan ako ay nakakatiyak
Lagi lang ako sa'yo mag-aabang
[Skusta Clee:]
Bakit 'pag sumapit ang gabi, hanap kita?
Laging nakatingala
Sa t'wing lumalapit ang dilim ay ayos na
Dahil mas nasisilayan ka
La, la luna, la, la luna, la, la luna
Kapag ako'y nag-iisa
La, la luna, la, la luna, la, la
Kapag ako'y nag-iisa
[Ron Henley:]
Leon 'pag tag-init, lobo 'pag taglamig
Pagkagat ng dilim, kwago sa himpapawid
Tiyaking sapat 'yung baon mong panulak, kapatid
Ito 'yung gutom na mukhang malabong maitawid
Patapik naman sa dila, nang sa gayon 'yung paligid pwede nating patingkarin
'Yung tina ko, minsang sahig ay medyo mamantika
Langhapin ang sampaguita sabay hipan ang kandila
Sa init ng ating katawan, buti na nga lang, hindi tayo nalapnos
Sa bawat haplos, paulit-ulit mong binabanggit ang pangalan ng Diyos
'Pagkat ubod ng linamnam 'pag nagpulot-kata ang
Tunog at salita habang bilugan ang buwan
Kahit 'yung hinaharap wala pa mang katiyakan
Malugod kong tinanggap 'yung rap bilang kabiyak
Ang bango-bango naman nang niluluto mong menudo
Lalo na 'yung dugo mo, nangangamoy ninuko
Baka naman pwede patikim na lang siguro
Pagmasdan mo ang pagbabagong anyo ko
Ilang pa bang gabi ng lagim ang kailangang tawirin
Naakit mo na pati sila Yuri [Gagarin], talagang takaw tingin
Ang liwanag mo sa t'wing mag-aagaw dilim
Maligayang pagdating, la luna
[Skusta Clee:]
La, la luna, la, la luna, la, la luna
Kapag ako'y nag-iisa
La, la luna, la, la luna, la, la
Kapag ako'y nag-iisa
La, la luna, la, la luna, la, la luna
Kapag ako'y nag-iisa
La, la luna, la, la luna, la, la
Kapag ako'y nag-iisa
Sauce!
Kung pwede nga lang talaga kitang ilapit sa'kin
Wala akong sasayanging oras na ika'y yakapin
Ilang gabi nang madilim ang paligid ko (Paligid ko)
Inaabangan ko pa rin ang pagsilip mo
Kasi pa'no kung 'di na kita masilayan (Masilayan)
Natatakot akong sa umaga'y masinagan (Masinagan)
Mag-aantay pa rin ako na dumating ka
Kahit na ako ay ulanin pa, balahibo ko'y tumitindig na
Sa lamig, handa nang kagatin ka
Ayan ka na naman, 'wag mo 'kong giyangin
Dahil hindi ako humihindi, hindi ka titigilan nang 'di ka tumitili
'Di ako sanay na may lambingan lang o kiliti
Lalo na 'pag gigil ang tingin ko
Sa'yo ay hindi naka-damit, sa mga bituin ako'y naiingit
Hindi ko na kayang pakalmahin ang tama mo sa'kin, la luna
La, la luna, la, la luna, la, la luna (La luna, la luna)
Kapag ako'y nag-iisa (Woah-oh)
La, la luna, la, la luna, la, la (La luna)
Kapag ako'y nag-iisa
La, la luna, la, la luna, la, la luna (Woah, woah)
Kapag ako'y nag-iisa
La, la luna, la, la luna, la, la (Ooh-ooh)
Kapag ako'y nag-iisa
- AZLyrics
- S
- Skusta Clee Lyrics
You May Also Like
Rob Deniel - "RomCom" Ngayon ko lang natagpuan
Ang tanging kahinaan
At lumilipas ang sandali
At hindi na mapakali
Pero sa 'yo
Labis-labis akong nasasabik
Na makapiling ka na
Labis-labis ang mga halik
Nang matagpuan na...
Sugarcane - "Kung Maging Akin Ka" Kasalanan ba na umibig sa'yo?
Alam kong ikaw ang sinisigaw nito
Dinggin sana ang himig, upang malaman mo
Na ang puso ko ay para sa'yo
Ang ngiti mo'y 'di na masilayan
Labis ang luha ng iyong mga...
Bandang Lapis - "Kabilang Buhay" Masasayang mga araw na kasama kita
Paglalambing at kulit mo na hindi nakakasawa
Punong-puno ng ligaya ang ating pagsasama
Na parang wala nang sisira ng lahat
Bakit pa dumating ang oras na ito?...
Flow G - "High Score" Oh, hinding-hindi ako magpipigil
'Tataya lahat, hindi magtitipid
Gagawin ang dapat kong gawin
Alam ko na magagawa ko rin
Balang araw maging icon
Gusto ko kagaya ko si idol
Mala-Michael Jordan...
Kyle Zagado - "Pinay Na Sobrang Fine" Mmm, yeah
Ganda mo na babae
Tunay na pilipina hanap ng mga lalake
Sa halik ay parang gusto ko na sayong umatake
Pero ang gusto ko sayo ay agad kang bumabawe
Wag kang aalis
Sa mata'y matamis
Ang yong...