"Propesiya" lyrics
"Propesiya"
(from "SA PELIKULA" soundtrack)
Balang araw darating
Araw na pinakamatagal mo nang hinihintay
Kung saan lahat mapapraning
Sa sukli ng mga sakripisyo mong ibinigay
Oo magmula nung una, bira'y laging sagad
(Laging sagad)
Dami man ng duda ay pinanis ang lahat
(Panis lahat)
Hanggang sa aking makuha, gamit ang aking pluma
Ginuhit ko ang propesiya sa aking aklat
Na balang araw darating
Balang araw darating
Balang araw darating
Darating!
Araw na pinakamatagal mo nang hinihintay
'Di mauubusan ng rason at dahilan bakit ba
Anumang papelan sa ilan, iba ang kulay ng kanyang tinta
Bumakat, tumagos, nagdikta
Pamamagitan ng mga awit nya
Wag ka lang sumuko, dahil sinusubok tayo lalo pag malapit na
Oo, ramdam ko na araw kong pinakahihintay
Kung saan mga peke't tunay sa 'kin tila mabibistay
Sa aking pag-iingay
Pagtayo sa gitna ng mga kontra nung una
At mga duda sa gilid naman
Ang tahimik na hihimlay
'Yung mga ayaw maniwala
Sa apoy ko'y ginawang panggatong na uling
Minaliit ang habang bitbit
Ang kasabihan: "Walang malaking nakakapuwing"
Mata sa mata, kapag diniretsyo mo naman ng tingin ay mga naduduling
Ugali n'yong madusing
Ang patunay na anumang karangalan sa 'kin ay kahihiyan n'yong matuturing
Pangarap nga ba o tadhana?
Resulta o nakatakda na?
Sadya na talo, inip, dapat handa ka
Kabiguan ma'y nagbanta, tagumpay ay nangakong...
Balang araw darating
Araw na pinakamatagal mo nang hinihintay
Kung saan lahat mapapraning
Sa sukli ng mga sakripisyo mong ibinigay
Oo magmula nung una, bira'y laging sagad
(Laging sagad)
Dami man ng duda ay pinanis ang lahat
(Panis lahat)
Hanggang sa aking makuha, gamit ang aking pluma
Ginuhit ko ang propesiya sa aking aklat
Na balang araw darating
Balang araw darating
Balang araw darating
Darating!
Araw na pinakamatagal mo nang hinihintay
'Di mauubusan, na para bang walang limitasyon
Gasolinang karga ng Panginoon at ng mga inspirasyon
Tibay, tapang, at dedikasyon lang ang baon saan mang destinasyon
Tadyak sa pinto papasok, kung di kaya—katok kahit na walang imbitasyon
Ano ramdam mo, 'b?
Tila ibang level at antas
Nginig ng mga kalamnan ko ngayong gigil na makaalpas
Mga hirap kong danas, magbigyan ng hustisya
Sa kwento, pagbwelo na parang tren—walang preno
O bueno, 'di mapapaatras
'Yung mga sa 'kin naniwala
Sa mga inihain ko na panukala
Mula nung ako'y pinangarap lumipad
Hanggang sa amat ay bumaba
Tumaya, rumespeto at humanga—'ge, ako bahala, walang halong daya
Asintado nako, matik ang timano
Sapol sa 'kin areglado, balang araw 'pag tumama
Pangarap nga ba o tadhana?
Resulta o nakatakda na?
Sadya na talo, inip, dapat handa ka
Kabiguan ma'y nagbanta, tagumpay ay nangakong...
Balang araw darating
Araw na pinakamatagal mo nang hinihintay
Kung saan lahat mapapraning
Sa sukli ng mga sakripisyo mong ibinigay
Oo magmula nung una, bira'y laging sagad
(Laging sagad)
Dami man ng duda ay pinanis ang lahat
(Panis lahat)
Hanggang sa aking makuha, gamit ang aking pluma
Ginuhit ko ang propesiya sa aking aklat
Na balang araw darating
Balang araw darating
Balang araw darating
Darating!
Araw na pinakamatagal mo nang hinihintay
- AZLyrics
- S
- Smugglaz Lyrics
soundtrack:
"SA PELIKULA" (2025)
You May Also Like
Mayonnaise - "Bakit Part 2" Lumuha ka ng nagiisa
Nakadungaw sa buwan
Lumilipad ang isip mo
Nakasabit sa ulap
Ngunit bakit, pinilit
Kung ayaw ko'ng masaktan?
Sinabi ko sa kanya
Na 'di parin nililikha
Ang katulad ko na parang...
Cueshe - "Sana" Sayang, nanghihinayang
Na ngayo'y wala ka na
Hinayaan, pinalipas ang
Mga pagkakataon
Na ikaw at ako'y magkasama sa
Habang panahon
At ngayo'y wala ka na
Sa iba'y kapiling ka
Pa'no na?
Ako na lang...
Jr Crown & Thome - "Second Chance" Kung noon ko pa nadama at nakita ang iyong halaga
Di na sinayang ang mga panahong kasama ka
Pinagsisihan ang nangyari
Lubos na nanghihinayang at umaasang mabalik yung dating
Tayong dalawa, mahal di...
Chocolate Factory - "Pag-Asa" Laman ng isipan
Nabubusog ako tuwing ikaw ay nasisilayan
Pinuno mo ng kulay at ng liwanag ang buhay
Ngayon nahihirapan sa'yong biglang paglisan
Gabi-gabing nangungulila
Araw-araw ay lumuluha
Kahit...
Geo Ong - "Gising" Sa buhay ng tao ay normal lang naman sumabit
Kung sumabit ka sana naman wag ng gumamit
Pipilitin ngumiti kahit halatang balisa pakiramdam mo
Ikaw ang palaging nasa gitna Maya't
Maya ang iyong tingin...