"Mariposa" lyrics

"Mariposa"

Alam mo bang kanina pa ako
Magdamag nang nakatingin sa 'yo
'Di mo lang alam, sa gitna ng kadilimang
'Di mapakali, ako'y nabighani

'Di mo lang alam, inaasam
Ang panahong makapiling ka
Sa una't huling pagkakataon

Dahil dito sa mariposa
Ay mahirap ang nag-iisa
Dahil dito sa mariposa
Ako lang ata ang nag-iisa

Nagsisising matatapos ang gabing
Alam naman nating meron nang taning
Nagsisising gigising sa katotohanan
'Di ka naman talaga akin

'Di mo lang alam, inaasam
Ang panahong makapiling ka
Sa una't huling pagkakataon

Dahil dito sa mariposa
Ay mahirap ang nag-iisa
Dahil dito sa mariposa
Ako lang ata ang nag-iisa

Ayoko nang mag-isa...


Writer(s): E. Dancel