"Talinghaga" lyrics

"Talinghaga"

Pwede bang hindi na kita lapitan?
Pagmamasdan na lang
Alam mo na naman aking nararamdaman
Pwede bang hindi na rin kita kausapin?
Ang hirap na kasing magkunwaring
Hindi ka iniirog

Pwede bang huminga?
Pwede bang magpahinga?
Masakit ang dibdib ng taong umiibig

'Di ko maamin sa sarili, 'di ko maamin sa iyo
Na nalulunod na ako sa tula ng ating puso
Samahan mo akong intindihin
Ang talinghaga ng pag-ibig

Pa-rap-pa-pa-pa
Pa-rap-pa-pa-pa
Pa-rap-pa-pa-pa
Pa-rap-pa-pa-pa

Pwede bang hindi na rin kita sulatan?
Walang mararating kung 'di mababanggit
Ang 'yong pangalan
Pero nahihiya ako sa'yo
Sabihin mo sa'kin
May ibig sabihin ang ating mga tingin

Pwede bang huminga?
Pwede bang magpahinga?
Masakit ang dibdib ng taong umiibig

'Di ko maamin sa sarili, 'di ko maamin sa iyo
Na nalulunod na ako sa tula ng ating puso
Samahan mo akong intindihin
Ang talinghaga ng pag-ibig

Pa-rap-pa-pa-pa
Pa-rap-pa-pa-pa
Pa-rap-pa-pa-pa
Pa-rap-pa-pa-pa

Oh, pwede bang hilahin mo na lang ako?
Sabihin mo may mararating ito, woah
Kasi kung tamang oras lang naman ang problema
Kayang-kaya ko maghintay basta ikaw ang kasama

'Di ko maamin sa sarili, 'di ko maamin sa iyo
Na nalulunod na ako sa tula ng ating puso
Samahan mo akong intindihin
Ang talinghaga ng pag-ibig

Pa-rap-pa-pa-pa
Pa-rap-pa-pa-pa
Pa-rap-pa-pa-pa
Pa-rap-pa-pa-pa


Writer(s): Kyle Anthony George De Ocampo
You May Also Like
Unique - "Paalala:" Siya'y handang ipagtanggol Ang sanlibutan Lahat ng inaangkin Ay kanyang pasan Kung sa pagkukunwari Ay nasasakal Bakit 'di mo idaan Sa isang...
Rob Deniel - "Sinta" Halik ba talaga Ang gagana sa iyong tingin, hmm 'Lam mo ba Naiisip ko pa rin mga gabi na magkatabi Oh... ang tangi kong hiling Kahit sa panaginip na lang Oh... I'll take this as a chance To give you...
SUD - "Sana Bumalik" Sana bumalik ka rin sa akin Sana di mawala ang 'yong puso At kung sakali man ikaw ay dumating Ako'y nandito lang, naghihintay sa'yo Sana di mawala ang 'yong ligaya Sana masaya ka ngayon At di ko man...
Sugarcane - "Kung Maging Akin Ka" Kasalanan ba na umibig sa'yo? Alam kong ikaw ang sinisigaw nito Dinggin sana ang himig, upang malaman mo Na ang puso ko ay para sa'yo Ang ngiti mo'y 'di na masilayan Labis ang luha ng iyong mga...
mrld - "Hinto Galaw" Bata 'Wag kang paligoy-ligoy sa daan Tahan Lahat ng nakatutok may alam Bawat galaw ginagalaw Ngunit takot naman mahuli O 'wag kang bumitaw Salita mo lang ang susi Sa mundong takip tainga 'Di...