"Sa Puso Ko" lyrics

"Sa Puso Ko"

Dapat nga bang sundin itong bulong ng damdamin
O, talinong nakamit, ito'y pinipilit
Huwag sumuot sa alanganin

Ang isa'y sinasabi
Sundin lang siyang palagi, takot ilagay sa isang tabi
Tuktok ay sumasakit
Dahil iginigiit na huwag kang mabulag sa pag-ibig

(Sa isip ko) Ay walang nakakasilip
(Sa puso ko) Ay mayrong nagsasabi
Ang payo ng ulo ay praktikal sa suliranin
"Huwag kang padadala sa tibok na iyong dala
Buksan na ang iyong mata"

Ngunit hindi patatalo
Ang puso'y may pambato, labis na pag-ibig
Maski anong panganib
Hinding-hindi sasanib sa utak na duwag at bingi

O, Diyos kong Maykapal
Ako nga ba ay hangal, masama ba ang magmahal
Dahil hindi na uurong
Ang pusong umuugong ng pagsambang walang kapalit

(Sa puso ko) Isa lang ang sinasabi
(Sa puso ko) Ikaw ang nagmamay-ari
(Sa puso ko) Isa lang ang sinasabi
(Sa puso ko) Ikaw lang ang nagmamay-ari
(Sa puso ko) Isa lang ang sinasabi
(Sa puso ko) Oh, ikaw lang sa puso ko


Writer(s): Francisco Jr. Guevarra
You May Also Like
Dong Abay - "Mateo Singko" Nakakadena si Amor Nakahawla ang dama de noche Walang trabaho, bagong layang si Ador Reklamador Kungdi ang magbilang ng poste Mahirap maging mahirap Mahirap maging mahirap Mahirap maging mahirap...
Soapdish - "Ewan Ko" 'Di n'ya sinabi pero may nagsabi Gusto mo yata kasama ka parati Pero ewan ko, ewan ko Naubos na ang pera sa kakalakwatsa Gusto mo yata parati kang kasama Pero ewan ko, ewan ko Napapansin mo na...
South Border - "May Pag-Ibig Pa Kaya?" Inalagaan at minahal kita Pinangarap at sinamba ko pa Sinugatan ang puso kong ito Nang nagkalayo puso'y nagtampo Di maiwasan na maalala pa Ang pag-ibig na siyang nagbibigay-sigla Mga umaga na dati'y...
Rocksteddy - "Magpakailanman" Darating din ang araw Na tayo'y tatanda Babagal ang mga paa At manlalabo ang mata Hindi mamalayan ang pagikot ng mundo Darating din ang panahon Na malalagas ang buhok Balat ay kukulubot At makukuba...
Sugarfree - "Sinta" Ako'y isang malungkot na bata Palakad lakad lang Wala rin namang mapupuntahan Madalas, madulas At nung parang ayoko na Buti na lang nanjan ka Buti na lang nanjan ka Sinta Pano na lang ako kung wala...