"Byahe Ng Buhay" lyrics

"Byahe Ng Buhay"

Lumapit ka mahal
'Wag isiping ikaw ay iiwanan
Kahit ano pa ang gawin ng mundo sa 'yo
Andito lang ako
Lumubog man ang barko, andito lang ako
Kung magunaw ang mundo ay tatabi sa 'yo
Hahawakan ang 'yong mga kamay
Hayaan mong ako ang 'yong maging gabay

Sa pag-ikot ng gulong
Naghahanap ka ba ng taong sasabay
Sa byahe ng buhay
Kung ganu'n ay 'wag nang mangamba
Hindi ka na mag-iisa aking mahal
Ako na ang bahala, matulog sumandal

Kumapit ka mahal
Maglalakbay sa malubak na daanan
Masira man ang makina at tayo'y mahinto
Andito lang ako

'Wag mataranta't matakot, andito lang ako
Susubukang ayusin 'to para lang sa 'yo
At kung sakaling hindi makasakay
Maglalakad tayong dal'wang magkasabay

Sa bawat tapak ng paa
Mabagal man basta't alam mong
Sumasabay ka sa byahe ng buhay
Mapagod man ika'y magpahinga
Sa pagpasan ako'y handa aking mahal
Ako na ang bahala, matulog sumandal
Matulog sumandal
Matulog sumandal
Ako na ang bahala

Sa pag-ikot ng mundo
Sasamahan ka patungo...
Sa walang hanggan


Writer(s): Wilbert Ross
You May Also Like
Rocksteddy - "Deadma (Version 1)" Matagal ko nang gustong malaman mo Matagal ko nang itinatago-tago 'to Nahihiyang magsalita at umuurong aking dila Pwede bang bukas na, ipagpaliban muna natin 'to Dahil kumukuha lang ng tyempo Upang...
Julie Anne San Jose - "Babaguhin Ang Buong Mundo" Kailan kaya matatapos ang gulo Kasalukuyan ko ay nakakalito Umaasang malalampasan ko rin ito Panuorin ninyo, balang araw... humanda kayo Lalayo mula sa mundong aking ginagalawan Mapupunta ako sa...
Gatton - "When Scars Become Art" So how Will I trust you When you say that you will love me? 'Cause she said that, too And how Will you love me? I was told I didn't deserve love, at least that's the theme Now don't say Don't say...
Jireh Lim - "Sabik" Ako'y nasasabik sa'yo Sa yakap at lambing mo Naiisip ko pa lang malayo ka Ay kay lungkot Nababaliw ako pag naaalala ko Ang tamis ng iyong ngiting Lumiliwanag sa gabi Dinadama ko ang hiwagang Dulot...
Neocolours - "Tuloy Pa Rin" Sa wari ko'y Lumipas na ang kadiliman ng araw Dahan-dahan pang gumigising At ngayo'y babawi na Muntik na Nasanay ako sa 'king pag-iisa Kaya nang iwanan ang Bakas ng kahapon ko Tuloy pa rin ang awit...