"Di Naramdaman" lyrics

Yayoi, Clinxy & Yosso Lyrics

"Di Naramdaman"

Hindi na kita sisisihin kung napaniwala ka nila
Nawalan ng gana dahil sa mga naririnig sa kanila
Sabihin mang dati na yang nangyayari
Hindi ka masisisi kung ayaw mo na
Bibitawan kita ng bukal sa loob pagkat mahal kita (Ooh yeah)

Maglalakad nang hindi na kita kasama na humahakbang
At sa pagbabalik mo ay hinding hindi na 'ko mag aabang
Wala na yung dating ngiti sa 'yong labi
Kaya ayoko nang muli na mahibang
At tatanggapin ang totoong hindi ka na masaya (Ooh yeah)

Hindi ka na pipilitin pa
Di na mauulit, di na aayusin pa
Bibitawan at hahayaan kahit masaktan
Basta sa maaayos ka
Patawarin mo rin ako
Kung di ko na kayang ibigay ang mga gusto mo
Minahal kita sa alam kong paraan
Baka hindi mo lang naramdaman

Heto na nga ba yung kinakatakot ko na mangyari
Masyado lang ako siguro sayo na kampante
Akala ko ayos lang biglang nagbago na lang
Di ka na nagparamdam, natitiis mo na

Minsan na rin naman akong napagod
Pero ni minsan di kita sinuko
Nung di ka na masaya biglang umalis ka na lang
Ako ba sa 'ting dalawa ang nagbago
Kaya kung hahayaan na kitang lumayo ay maisip mo
Na di naman yun para sa'kin kundi para 'yon sayo

Hindi ka na pipilitin pa
Di na mauulit, di na aayusin pa
Bibitawan at hahayaan kahit masaktan
Basta sa maaayos ka
Patawarin mo rin ako
Kung di ko na kayang ibigay ang mga gusto mo
Minahal kita sa alam kong paraan
Baka hindi mo lang naramdaman

Aminado ako na may pagkukulang at pagbabago
Mga rason para maging normal ating pagtatalo
Oo malungkot ka pero tanong ko sa'yo kung naramdaman mo ba 'ko?
Eh kung hindi naman pala baka tama ang desisyon mong magsarado
Ng puso mo para sa akin at baka mas gusto mong magpahinga
Baka hindi ka na makahinga sabihin mo lang wag ka nang mahiya
Na magsalita kase ramdam naman lahat 'yon dahil sa kabila
Ng mga pagsubok pa lang natin kita kong pahina ka na ng pahina
Pero totoo nakakabigla kase hindi pa 'ko nakahanda
Parang bula na lang na nawala yung kabanatang 'kala ko ay maganda
Wala na 'kong magagawa kundi tanggapin na tayo ay mas lumala
Nakakadala na gano'n ka lang kabilis sa akin na kumawala

Hindi ka na pipilitin pa
Di na mauulit, di na aayusin pa
Bibitawan at hahayaan kahit masaktan
Basta sa maaayos ka
Patawarin mo rin ako
Kung di ko na kayang ibigay ang mga gusto mo
Minahal kita sa alam kong paraan
Baka hindi mo lang naramdaman

Hindi ka na pipilitin pa
Di na mauulit, di na aayusin pa
Bibitawan at hahayaan kahit masaktan
Basta sa maaayos ka
Patawarin mo rin ako
Kung di ko na kayang ibigay ang mga gusto mo
Minahal kita sa alam kong paraan
Baka hindi mo lang naramdaman


Thanks to Rufa Mae Ferrer for adding these lyrics.
You May Also Like
Honcho - "And Ikaw!" Meron akong story so listen to me Madaming rapper sa pinas in the place to be Wanna be like gangstah in the real life Mga filipinong feelingerong malupit and it feels like Wansapanataym they just...
Geo Ong - "Parokyana" Sa panahon ngayon puro palandian ang kanta Kaya sa mga kabataan marami na ang tanga Mga sabik na sabik magpakita sa madla Ng kanilang mga selfieng naka T-Back lang at bra Gustong-gusto niya na...
Donnalyn Bartolome - "Sabi Niya" Itanong mo pa sa mga tala Kung ikaw ba'y dapat may ialintana Sa iyo'y sasabihin nila Ika'y walang dapat ikabahala Araw-araw kitang liligawan Kahit ako'y iyong sinagot na Araw-araw kitang mamimiss...
Kuya Bryan - "Bisaya" Daghan kaayong mo lookdown og mokatawa Kung magtagalog mi perti daw'ng gahia Dili mi pareha ninyo hilig nga mo chismis Mas maayo pud mi ninyo mo iningles Abi siguro ninyo wa mi mga grado Diha mo...
Morissette - "Gusto Ko Nang Bumitaw" Umiiyak gabi-gabi Walang tinig na naririnig Nakikipaglaban sa digmaan na talunan Hanggang kailan Talo na, pagod na Akala ko ika'y sa akin pa, pero hindi na pala Wala na nga ba talaga? Naglalagalag...