"Silakbo" lyrics

"Silakbo"

Magpapalunod ba sa dilim
O titingin sa mga bituin
Tutulugan ang gabi
O ito'y aangkinin
Ipapabukas ko na lang ba ulit

Siya na lang bang magdidikta
Ng aking pulso at paghinga
'Di alam ang gagawin
Gulo ba'y haharapin
Tatakbo o dapat bang tiisin

Dahan-dahang kumawala
Sa kapit na dinadala
'Di na magpapaakit pa
Sa kapit ng 'yong mata

Hayaang sumigaw ang pusong nabilanggo
Sumabay na sa awitin pakinggan ang tibok
'Wag na tatalikuran ang bigat ng unos
'Pag nasugat 'wag pigilan ang silakbo

Naaarawan na ang sakit
Umagang tila nanlalambing
Ako'y babangon na muli
Nang hindi nakapikit
Tumatamis na ang lahat ng pait

Dahan-dahang kumawala
Sa kapit na dinadala
'Di na magpapaakit pa
Sa kapit ng iyong mata

Hayaang sumigaw ang pusong nabilanggo
Sumabay na sa awitin pakinggan ang tibok
'Wag na tatalikuran ang bigat ng unos
'Pag nasugat 'wag pigilan ang silakbo

Oh, oh, oh
Oh, oh, oh

'Wag na tatalikuran ang bigat ng unos
'Pag nasugat 'wag pigilan ang silakbo

Mga silid sa bahay ng ating damdamin
'Di na muling papatinag sa dilim
Lalakasan ang himig ng mga salamin
Palayain mga sigaw sa dingding

Hayaang sumigaw ang pusong nabilanggo
Sumabay na sa awitin pakinggan ang tibok

'Wag na tatalikuran ang bigat ng unos
'Pag nasugat 'wag pigilan ang silakbo

Oh, oh, oh
Oh, oh, oh

'Wag na tatalikuran ang bigat ng unos
'Pag nasugat 'wag pigilan ang silakbo


Writer(s): Antonio Fernandez, Raphaell Ridao, Edgar Bernardino, Clint Fernandez
You May Also Like
Sugarfree - "Burnout" O, wag kang tumingin Nangg ganyan sa 'kin Wag mo akong kulitin Wag mo akong tanungin Dahil katulad mo Ako rin ay nagbago Di na tayo katulad ng dati Kay bilis ng sandali O, kay tagal din kitang...
Yeng Constantino - "Chinito" Napapansin mo ba Kaya ang tulad ko Kahit nasa sulok lang ng iyong mga mata Mahuli mo kaya ang pagsulyap sa'yo Kahit hindi naman ako ang iyong kaharap Oh chinito Balang araw ay, malalaman mo rin At...
Sponge Cola - "Di Na Mababawi" Ngayo'y aking inuunawang pilit Mga pagkukulang kong iyong ginigiit Sana'y malaman mo na tanging ikaw lamang Ang aking iniintindi Nakatanim pa sa'king alaala Pangako mong mananatili ka Kaya't paglisan...
LANY - "'Cause You Have To" Chasing a heart is like chasing a ghost You can't make somebody you love feel the same If they don't It doesn't matter the words that you say 'Cause just like the seasons, you can't stop the way...
Syd Hartha - "3:15" Ito ang langit sa lupa Walang makakaabala Walang ganang pumatak mga luha Ako ang baril, ikaw nagpapaganang bala Sa init ng titig Ako pa ri'y napapaisip 'Di basta basta na maakit puso at utak, mag...