"Kulimlim" lyrics

"Kulimlim"

Tulalang nakangiti sa kawalan
Oras 'di hamak na 'di namalayan
Habang dama ang haplos ng hangin
Kasabay ang pagbulong ng dalangin

Manawa man ang mga talang tumingin sa 'yo
Oh mahal, tanging ningning ng ngiti mo pa din
Ang pipiliin

Ilang bukas man ang dumaan
Kulimlim man ay mapalitan ng ulan
Ikaw at ikaw lang
Ikaw at ikaw lang
Ikaw at ikaw lang ang uuwian
Hiwaga mo man ay mawala
Ako ay mananatili at
Ikaw at ikaw lang
Ikaw at ikaw lang
Kahit panandalian

Nakakakilig isiping
Sabik akong matunaw sa 'yong tingin
Labi mo ang salarin
Puwede ba na angkinin?

At ngayong kapiling ka
Kahit walang kasiguraduhan
Kalabanin man ang kamay ng orasan
Ayos lang, basta't nandirito ka
(Nandirito ka, nandirito ka)

Pero miski kamay mo'y suntok sa buwan kung mahawakan
Awiting alay sa 'yo ba ay tutuldukan?

Ilang bukas man ang dumaan
Kulimlim man ay mapalitan ng ulan
Ikaw at ikaw lang
Ikaw at ikaw lang
Ikaw at ikaw lang ang uuwian
Hiwaga mo man ay mawala
Ako ay mananatili at
Ikaw at ikaw lang
Ikaw at ikaw lang
Kahit panandalian

Kulimlim man ay mapalitan ng ulan
Ikaw at ikaw lang
At kahit manawa man ang mga talang tumingin sa 'yo
Oh mahal, tanging ningning ng ngiti mo pa din, oh
Ang pipiliin

At ngayong kapiling ka
Kahit walang kasiguraduhan
Kalabanin man ang kamay ng orasan
Ayos lang, basta makapiling ka
Kahit panandalian


You May Also Like
Maki - "Para Sa Buwan" Araw-araw kitang iniisip 'Di ka ba nadadapa? Lumalim na ang kalumata sa'king mga mata 'Di mo ba nahahalata? Oh, kapag ika'y nagdududa Ang aking puso'y nalulula Sa rami ng iyong iniisip Na hindi...
JRoa - "Byahe" Hawakan mo ang kamay ko At dadalhin kita san mo man gusto Akong magsisilbing gabay mo Ipikit mo ng yung mga mata at lilipad tayong dalawa Takasan natin ang mundo Wala ng iba ikaw lang at ako Handa...
Ben & Ben - "Di Ka Sayang" Kahit 'di mo sinasabi Ramdam ko ang pagkukunwari Akala'y masaya Ba't parang may lungkot sa tawa Bigat ng mga katanungang Dumadagan sa'yong isipan 'Di kailangan na buhating mag-isa 'Di ka sayang 'Di...
Munimuni - "Sa'yo" Ang buhok mo'y parang gabing numinipis Sa pagdating ng madaling araw Na kumukulay sa alapaap Ang ngiti mo'y parang isang tala Na matagal na ang kinang ngunit ngayon lang nakita Kung kailan wala na...
Dilaw - "Uhaw (Tayong Lahat)" Sabik na mahalikan Mayakap ka't masayaw sa ulan Ang mundo'y gagaan Mundo ko'y gagaan Maligaw man ng landas ay Hahanapin ang kalsada Patungo sa'yo Ikaw ang daan Dumilim man ang paligid ay Ikaw pa rin...