"Alipin Ng Mundo" lyrics
"Alipin Ng Mundo"
Ikaw ay nahahanap sa bawat sulok ng mundo
Pagkat ang mura lang ng bayad sa talino mo
Alila ng dayuhan at yaya ng kanyang anak
At kung minsan naman ika'y pulutan sa alak
Tinitiis mo ang lahat ng hirap at luha
Upang pamilya ay makaraos at guminhawa
Binabaliwala mo lamang ang sakit ng kalungkutan
Nagpapasalamat pa na may pinagkakakitaan
Ikaw ba'y alipin ng mundo
Naiiba sa lahi mo
Ulila sa pinanggalingan, alipin sa pinuntahan
Kaibigan paano ka nagkaganito?
Ikaw ay nasa pook maliban sa iyong bansa
At ang tingin nila sa 'yo ay napakababa
Pinagagawa sa 'yo ang mga ayaw nilang gawin
At 'pag natapos na'ng kontrata ika'y pauuwiin
Mahirap palang mabuhay na walang karapatan
Nakikisuyo lang sa bawat pangangailangan
Laging nag-iingat dahil wala ka sa iyong bansa
Walang mapuntahan kapag ikaw ay nasita
Ikaw ba'y alipin ng mundo
Naiiba sa lahi mo
Ulila sa pinanggalingan, alipin sa pinuntahan
Kaibigan paano ka nagkaganito?
Ikaw ba'y alipin ng mundo
Naiiba sa lahi mo
Ulila sa pinanggalingan, alipin sa pinuntahan
Kaibigan paano ka nagkaganito?
Mga balita mula sa ibayong dagat
Sa Japan
Anim na Pilipinang dancers ang nagtago sa isang Katolikong simbahan
Dahil sa takot sa kanilang amo
Na 'di umano'y umabuso sa kanila
Ayon sa kanila
Ang amo nila ay miyembro ng kinatatakutang yakuza gang
Nananawagan sila sa mga Pilipinong awtoridad
Na sana'y matulungan sila nang madalian
Sa Saudi Arabia naman
Dalawang kababayan natin na naaresto
Habang sila'y nag-iinuman sa kanilang kwarto
Sa Taif General Hospital
Ayon sa kanilang mga kaibigan
Nais lang ng dalawa na makalimot sa kanilang problemang kinahaharap
'Di umano, ang mga asawa nila sa Pilipinas ay sumama na sa iba
At dala ang kanilang mga naiwang sweldo
Napakasaklap naman ng kapalaran nila
Writer(s): Jaime Paredes
- AZLyrics
- A
- APO Hiking Society Lyrics
album:
"Mga Kuwento Ng Apo" (1988)
You May Also Like
Siakol - "Tropa" Kwentuhan na kabulastugan
Hindi malilimutan ang asaran
Na mayroong pikunan
Lalo na rin ang unang niligawan
Unang kabiguan
At dyan nagseseryoso ang usapan
Ang pagdadamayan
Nang tunay at tapat na...
Hotdog - "Manila" Maraming beses na kitang nilayasan
Iniwanan at iba'ang pinuntahan
Parang bababeng ang hirap talagang malimutan
Ikaw lamang ang aking laging binabalikan
(Quiapo Quiapo Quiapo, isa na lang ah, aalis...
Imago - "Bakit Ba Ganyan" Bakit ba ganyan, ang ibig ko'y lagi kang pagmasdan
Umula't umaraw ay hindi pagsasawaan ang iyong katangian
Damdamin ko'y ibang-iba kapag kapiling ka, sinta
Ewan ko, bakit ba ganyan, damdamin ay 'di...
Ariel Rivera - "A Smile In Your Heart" I had a feeling that you're holding my heart
And I know that it is true
You wouldn't let it be broken apart
'Cause it's much too dear to you
Forever we'll be together
No one can break us apart
For...
Juris - "Forevermore" There are times when I just want to look at your face
With the stars in the night
There are times when I just want to feel your embrace
In the cold night
I just can't believe that you are mine now...