"Wala Nang Hahanapin Pa" lyrics
"Wala Nang Hahanapin Pa"
Mayroon siyang estilong kanya lamang
Ang kanyang pagkababae ang dinadahilan
Pagsubok sa pag-ibig walang katapusan
'Di naman daw nagdududa, naniniguro lang
Ewan ko ba ngunit kahit ganyan siya
Minamahal ko siya, wala nang hahanapin pa
Kahit ano'ng sabihin ng iba, minamahal ko siya
Wala nang hahanapin pa
'Di raw nagseselos ngunit nagbibilang
Ng oras 'pag ako'y ginagabi
At biglang maamo 'pag may kailangan
'Pag nakuha na ikaw ay itatabi
Ewan ko ba ngunit kahit ganyan siya
Minamahal ko siya, wala nang hahanapin pa
Kahit ano'ng sabihin ng iba, minamahal ko siya
Wala nang hahanapin pa
'Di magpapatalo 'pag mayroong alitan
'Di aamin ng mali, magbabagong-isip lang
Ewan ko ba ngunit kahit ganyan siya
Minamahal ko siya, wala nang hahanapin pa
Kahit ano'ng sabihin ng iba, sinasamba ko siya
Minamahal ko pa, walang kaduda-duda
Wala nang hahanapin pa
Writer(s): Jaime Paredes
- AZLyrics
- A
- APO Hiking Society Lyrics
album:
"Mga Kuwento Ng Apo" (1988)
You May Also Like
Asin - "Magnanakaw" Ayon sa kasulatan, ayon sa mga nakaraan
Ayon sa mga nangyayari noon at sa nangyayari ngayon
Tayong mga Pilipino raw ay may ugaling magnanakaw
Mula pa no'ng unang panahon hanggang sa kasalukuyan
Ito...
Bugoy Drilon - "Pagkat Mahal Kita" Nais kong malaman mo
Tunay ang pag ibig ko
Ito'y patutunayan ko sa iyo
Di ka dapat mangamba
Sa piling ko'y liligaya
Basta't ako'y para sa iyo
At akin ka
Pagka't mahal kita
Walang iba
Ikaw ang nais...
Carol Banawa - "Iingatan Ka" Sa buhay kong ito
Tanging pangarap lang
Ang iyong pag mamahal
Ay makamtan
Kahit na sandali
Ikaw ay mamasdan
Ligaya'y tila ba
Walang hanggan
Sana'y di na magising
Kung nangangarap man din
Kung ang...
South Border - "Habang Atin Ang Gabi" Sumapit man, ang dilim
Hindi mangangamba
Magkakalong sa dilim
Hindi nag-iisa, dahil kapiling ka
Hoh...
Lumalim man ang gabi
Hindi mahihimbing
Aabangan ang buwan habang binibilang
Ang mga bitwin
Ang...
Itchyworms - "Awit Ng Barkada" Nakasimangot ka na lang palagi
Parang ikaw lang ang nagmamay-ari
Ng lahat ng sama ng loob
Pagmumukha mo ay hindi maipinta
Nakalimutan mo na bang tumawa?
Eh, sumasayad na ang nguso mo sa lupa
Kahit...