"Laro" lyrics

"Laro"

Tila bigla nasali na sa isang laro
Ako'y taya, ikaw ang puntirya ko
Pilit kong nilaro kahit 'di totoo
Oh, ang hirap mong mahabol palayo na nang palayo

Sige lang, tuloy mo lang
Kahit saan makarating ako'y nag-aabang
'Wag matakot na masaktan
Lagi mong tatandaan ako'y laging nandito lang
'Di mo ba alam ang gagawin
Sa puso'y laging nakikinig
Takot ba na magkamali?
Tama o mali, sino bang pakikinggan?

Maghabul-habulan habang umuulan
Magtagu-taguan sa ilalim ng buwan
Maghabul-habulan habang umuulan
Magtagu-taguan sa ilalim ng buwan

Ikaw lang ang nagparamdam sa'kin ng ganito, yeah
Walang iba, walang ibang nakagawa nito
Ako'y nahulog na, nahulog na, tukso ng 'yong bulong
Nakalaya na, malaya na ang pusong nakulong

La-la-la-la, la-la-la-la
Puso ko'y 'wag sanang paglaruan, woah
La-la-la-la, la-la-la-la
Puso ko'y 'wag sanang paglaruan, skrrt

Gustong balikan kung pa'no ba sinimulan
Hindi ko sukat akalain na ikaw lang ang gustong makasama
Habang buhay na lamang bang laging nakaabang
Naglalakbay sinusundan ang mga tala
Katuwang kung saan tayo tinadhana
Harapin sabay nating sulyapin
Kinabukasan na puno ng pag-asa

Maghabul-habulan habang umuulan
Magtagu-taguan sa ilalim ng buwan
Maghabul-habulan habang umuulan
Magtagu-taguan sa ilalim ng buwan

Ikaw lang ang nagparamdam sa'kin ng ganito, yeah
Walang iba, walang ibang nakagawa nito
Ako'y nahulog na, nahulog na, tukso ng 'yong bulong
Nakalaya na, malaya na ang pusong nakulong

La-la-la-la, la-la-la-la
Puso ko'y 'wag sanang paglaruan, oh
(Puso ko sana'y 'wag paglaruan)
La-la-la-la, la-la-la-la
Puso ko'y 'wag sanang paglaruan, skrrt

Damdamin ay bumubugso (Yeah, yeah)
Ang puso ay nalilito (Yeah, yeah)
'Wag naman sanang mabigo (Yeah, yeah)
Handang harapin lahat
Makahabol lang sa'yo, woah

Ikaw lang ang nagparamdam sa'kin ng ganito, yeah
Walang iba, walang ibang nakagawa nito
Ako'y nahulog na, nahulog na, tukso ng 'yong bulong
Nakalaya na, malaya na ang pusong nakulong

La-la-la-la, la-la-la-la
Puso sana ay 'wag paglaruan, oh
La-la-la-la, la-la-la-la
Puso sana ay 'wag paglaruan
La-la-la-la, la-la-la-la (Takbo-takbo, pagbilang ng tatlo)
Takbo-takbo, nakatago na kayo
La-la-la-la, la-la-la-la (Litong-lito, puso'y gulong-gulo)
Gulong-gulo, paano ba itong laro?

Pa'no ba?


You May Also Like
2NE1 - "I Don't Care" Hey playboy It's about time And your time's up I had to do this one for my girls you know Sometimes you gotta act like you don't care That's the only way you boys learn Oh... Oh oh oh oh oh... 2NE1...
Maymay Entrata - "Kakayanin Kaya" Natulala nang makita kang may kasamang iba At sa aking puso ay may kaba Nagtataka kung saan nga ba nagkamali o nagkulang ba? Ano nga ba'ng meron siya? Hindi ko na malaman pa ang gagawin Kakayanin...
Westlife - "Why Do I Love You" Suddenly she's leaving Suddenly the promise of love has gone Suddenly, breathing seems so hard to do Carefully you planned it I got to know just a minute to late, oh girl Now I understand it All the...
Anji & KD Estrada - "Don't Be Afraid" Waking up every morning Seeing same things and wondering What went wrong? How do I stay strong? Darkness hinders the wonder Where I should be discovering the greatness of life I know I'll overcome...
KZ Tandingan - "Imposible" Nanahimik ako dito, nagkakape naka de-kwatro Ilang linggo ng nasa kwarto Pintoy nakasarado, said na ang luha ko Di mo ba nakikita? Tapos na ang kabanata Pagbukas ng bintana nakadungaw mga tala...