"Panahon" lyrics

"Panahon"

Bigyan mo ng panahon
Bigyan mo ng panahon

Napapaisip na kung tama ba'ng ginagawa
Kasi bale napakarami ng sablay at aray na nangyayari
Hindi na makaisip, wala nang mapaglalagyan
Litong-lito, gulong-gulo, na-na, nananaig ang alinlangan

Ipagpaliban, 'wag mong sukuan
Mangyayari din lahat nang dapat na mangyari
Humingang malalim, tumingin sa akin
Kasama mo ako, 'di ka mabibigo

Bigyan mo ng panahon
Ang pagkakataon at tadhana na ipinta
Ang larawan kung sa'n dito sa mundong ito
Mapapagtanto, katangi-tangi't nag-iisa
Walang katulad, ikaw ay mahalaga

Bigyan mo ng panahon (Bigyan mo ng panahon)
Bigyan mo ng panahon (Bigyan mo ng panahon)
Ikaw ay mahalaga

'Wag kang mag-alala, nandito 'ko para sa'yo
Malapit na magsasabing sumandal ka sa'kin mo ibaling
Ang 'yong nararamdaman, 'di kita iiwan
Sasamahan ka hanggang mag-umaga
Sa'kin ka muna magpahinga

Ipagpaliban, 'wag mong sukuan ('Di ka susukuan)
Mangyayari din lahat nang dapat na mangyari
Humingang malalim, tumingin sa akin
Kasama mo ako, 'di ka mabibigo

Bigyan mo ng panahon
Ang pagkakataon at tadhana na ipinta
Ang larawan kung sa'n dito sa mundong ito
Mapapagtanto, katangi-tangi't nag-iisa
Walang katulad, ikaw ay mahalaga

Bigyan mo ng panahon (Bigyan mo ng panahon)
Bigyan mo ng panahon (Bigyan mo ng panahon)
Ikaw ay mahalaga

Mahalaga madalas mong sabihin sa iba
Pero bakit 'pag ikaw hirap kang maniwala
Biglang tatawa, akala mo biro at hindi totoo
Ang sinasabi sa iba, nandito lang ako
Na parating magpapaalala sa'yo
Hindi ka nag-iisa, hindi ka iba
Karapat-dapat sa mga bagay na gusto mong matupad
Makamit, maabot hindi man ngayon
Hindi man umaayon sandali't panahon
Nandito lang ako sa tabi mo, sandal ka sa'kin
At sabay nating haharapin ang bawat suliranin

(Bigyan mo ng panahon) Bigyan mo ng panahon
Ang pagkakataon at tadhana na ipinta (Ohh)
Ang larawan kung sa'n dito sa mundong ito (Dito sa mundong ito)
Mapapagtanto, katangi-tangi't nag-iisa
Walang katulad, ikaw ay mahalaga

Bigyan mo ng panahon (Bigyan mo ng panahon)
Bigyan mo ng panahon (Bigyan mo ng panahon)
Ikaw ay mahalaga

Bigyan mo ng panahon
Bigyan mo ng panahon


You May Also Like
CLR & Angela Ken - "Nisila/Ako Naman Muna" Minsan ikaw ba ay nagtataka kung bakit tayo nilisan Ng mga minahal natin ng buong puso't isipan Butas natin na mahirap na syang muling takpan Sa sitwasyong alam mong wala kang kalalagyan At masasabi...
Maris Racal - "Ikaw Lang Sapat Na" Nagsimula sa aking Pusong humihiling At nung ika'y nakita Di makapaniwala At nung nakilala Ayaw na kitang mawala Oh alam mo ba Gusto kong sabihin na Gusto kitang makasama sa habang buhay Pero...
Skusta Clee - "Lagi" Ikaw agad ang bungad ng magandang umaga Hindi kumpleto ang araw 'pag 'di kita kasama Okay lang nandito lang ako na laging nakaabang Kahit na magdamag, ohh Eh ano naman kung ilang oras ang masayang...
Reza Darmawangsa & Ghea Indrawari - "Purple Raincoat" I run from the rain, it's getting heavier And louder than bombs See you with purple raincoat Traffic lights down a crossroads Turning as you hit that notes Come on, move closer Where did you come...
Zephanie - "Sabihin Mo Na Lang Kasi" Inuunti-unti mo ba 'ko? Akala mo ba'y madali to? Di mo ba naisip, sobra tong pasakit Dapat ko pa bang ipilit? Mga yakap mo'y malamig na Tila ba nawalan ng gana Ano bang nangyari? May kulang ba...