"Isang Daan" lyrics

"Isang Daan"

Nakatigil sa gitna ng daan
'Di kayang tumapak baka may malagpasan
Ako ba'y sisilong, lulusong sa 'di tiyak na panahon
Nakatago sa lilim, takot na tumalon

Bakit 'di subukang makipagsapalaran
Sundan ang mga bituin
At pakinggan ang ulan

Hahawakan bawat sandali
'Di lalayo aking tingin
Hahakbang takot mang magkamali
'Di na malulunod kakaisip
Kung ano man ang nakaabang sa 'di tinatahak na
Daan-daang rasong pumipigil
Kung madapa, tatayong muli
Tatayong muli

Kahapon ma'y 'di mabalikan
Bukas ma'y 'di masaksihan

Ayoko nang sumilong
Lulusong kahit anong panahon
Bawat apak, sa kasalukuyan itutuon

Hahawakan bawat sandali
'Di lalayo aking tingin
Hahakbang takot mang magkamali
'Di na malulunod kakaisip
Kung ano man ang nakaabang sa 'di tinatahak na
Daan-daang rasong pumipigil
Kung madapa, tatayong muli

Isang daang rasong umubos sa gabi
Isang daan upang makatawid
Isang daang araw ang 'di mababalik
Isang daan upang makarating
('Di sapat ang panahon)
Isang daang rasong umubos sa gabi
Isang daan upang makatawid
('Dito ka sa ngayon)
Isang daang araw ang 'di mababalik
Isang daan upang makarating

Hahawakan bawat sandali
Hahakbang takot mang magkamali
Hahawakan bawat sandali
'Di lalayo aking tingin
Hahakbang takot mang magkamali
'Di na malulunod kakaisip
Kung ano man ang nakaabang sa 'di tinatahak na
Daan-daang rasong pumipigil
Kung madapa, tatayong muli

Isang daang rasong umubos sa gabi
Isang daan upang makatawid
Isang daang araw ang 'di mababalik
Isang daan upang makarating
Isang daang rasong umubos sa gabi
Isang daan upang makatawid
Isang daang araw ang 'di mababalik
Isang daan upang makarating


You May Also Like
Kyle Raphael - "Libu-Libong Buwan (Uuwian)" Kahit saan, kahit kailan Kahit anong bagyo pa man ang dumaan Ikaw pa ri'y pupuntahan, mm At kung ano man ang nararamdaman Asahan mong ako'y andito lang 'Di ako lalayo kailan pa man Kailan pa man At...
Sarah Geronimo - "Ikot-Ikot" Heto na naman tayo Parang kailan lang ang huli Gaano man kalayo Tayo'y pinagtatagpong muli Ilang ulit nagkasakitan Ngunit paulit na gumagaling Ilang ulit balak na iwan Ngunit patuloy na bumabalik...
Skusta Clee - "Since Day One" Binabawi ko na 'di ko pala kayang mag-isa at solo Gusto kong samahan mo ako Minsan lang magbihis dahil okay na sa sando't polo Pero ngayon naka-todo Para kung dumating ka sa party, yeah Baka gumana...
Sugarcane - "Pabalik Sa'yo" Bakit pa ba ako naghahanap sa'yo? Pati ang anino ay hanap, hanap ko Kamusta na ba nangungulila nating mga puso? Dampi ng mga labi mo ang nais, nais ko Gulong, gulo ang isip kung handang ipagpalit Sa...
Itchyworms - "Di Na Muli" Nung araw kay tamis ng ating buhay Puno ng saya at ng kulay Di mauulit muli Ang oras kapag hinayaang lumipas Madarama mo hanggang bukas Di mababawi muli Ang dami daming bagay na hindi naman...