"Sandali" lyrics

"Sandali"

Nahuhulog na pala
Mga dahon ng alaala ng nakaraan
Nakalatag na sa 'ting daan
Nalulunod na pala
Sa oras at kahit pa bali-baliktarin
Ang agos ay nakakulong pa rin

Sumasabog na ang mga bituin
Maaari bang tanungin?
Kung maabot man natin ang hanggan
Tatalon ka ba? Kasi ako

Kahit pa ang mundo ay gumuho
At ang kalangitan ay mahulog
'Di man alam ang gagawin
Sa 'yo pa rin, sa 'yo pa rin
Kahit araw at buwan ay magtalo
'Di magbabago aking pagsamo
Tanging hiling, tanging hiling
Ikaw ang aking huling sandali

Mawala man sa gitna ng gulo
Ay hahawakan ang iyong kamay
Tayo ay sabay na lalakbay
Sa kalawakan na magsisilbing tulay
Tungo sa ugnayan ng ikaw at ako (Ikaw at ako)
Tatalon nang sabay (Hey)

Kahit pa ang mundo ay gumuho
At ang kalangitan ay mahulog
'Di man alam ang gagawin
Sa 'yo pa rin, sa 'yo pa rin
Kahit araw at buwan ay magtalo
'Di magbabago ating pagsamo
Tanging hiling, tanging hiling
Ikaw ang aking huling sandali

Tubig nasusunog, hangin nananakal
'Di man alam ang gagawin
Sa'yo pa rin, sa'yo pa rin
Ulap nalulunod, araw giniginaw
Tanging hiling, tanging hiling
Ikaw ang aking huling

Kahit pa ang mundo ay gumuho
At ang kalangitan ay mahulog
'Di man alam ang gagawin
Sa 'yo pa rin, sa 'yo pa rin
Kahit pa ang mundo ay gumuho
At ang kalangitan ay mahulog
'Di man alam ang gagawin
Sa 'yo pa rin, sa 'yo pa rin
Kahit araw at buwan ay magtalo
'Di magbabago ating pagsamo
Tanging hiling, tanging hiling
Ikaw ang aking huling sandali

Kahit pa ang mundo ay gumuho
At ang kalangitan ay mahulog
'Di man alam ang gagawin
Sa 'yo pa rin, sa 'yo pa rin
Kahit araw at buwan ay magtalo
'Di magbabago ating pagsamo
Tanging hiling, tanging hiling
Ikaw ang aking huling sandali


Writer(s): Raphaell Ridao, Edgar Bernardino, Clint Fernandez, Vixen Zhaesar Gareza, Antonio Gabriel Fernandez
You May Also Like
Munimuni - "Sa'yo" Ang buhok mo'y parang gabing numinipis Sa pagdating ng madaling araw Na kumukulay sa alapaap Ang ngiti mo'y parang isang tala Na matagal na ang kinang ngunit ngayon lang nakita Kung kailan wala na...
TJ Monterde - "Dating Tayo" Lagi nalang ganito Isipan ay gulong gulo Lagi nalang nabibigo Ngunit ikaw pa rin, sigaw ng puso Ilang liham na ang sinulat sayo Ilang luha na rin ang natuyo Kailan kaya muling makakatawang Hindi ko...
Zack Tabudlo - "Gusto" Ako'y natutulala, araw-araw nakikita Hindi alam ako'y nakamasid Hindi mo lang ako napapansin Hanggang tingin na lang ba sa'yo? 'Di makalapit sa ganda mo Gusto lang na makilala pa Kaso medyo nahihiya...
Ben & Ben - "Araw-Araw" Umaga na sa ating duyan Wag nang mawawala Umaga na sa ating duyan Magmamahal, o mahiwaga Matang magkakilala Sa unang pagtagpo Paano dahan-dahang Sinuyo ang puso Kaytagal ko nang nag-iisa Andyan ka...
IV Of Spades - "Bata, Dahan-Dahan!" Bata, dahan-dahan Sa mundong kinagagalawan Pagmasdan ang larawan Ng hitsurang nagmamalakas 'Di pwedeng mabulag Makinig sa tamang tinig Wala kang mapapala Sa taong walang kahulugan 'Wag hahayaang...