"Di Na Mababawi" lyrics

"Di Na Mababawi"

Ngayo'y aking inuunawang pilit
Mga pagkukulang kong iyong ginigiit
Sana'y malaman mo na tanging ikaw lamang
Ang aking iniintindi
Nakatanim pa sa'king alaala
Pangako mong mananatili ka
Kaya't paglisan mo'y naiwan ang pusong ito
Na ngayo'y bitin na bitin

'Di mo na mababawi iniwang sakit
Sa mga salitang binitiwan mo
Hindi ba't ikaw na rin ang nagpasya, nagtakda
At siyang unang umiwas
Bakit nga ba ako 'yong pinaasa?

Nasa aking guniguni malamig mong tinig
Kasabay ng hangin na dumarampi
Na para bang ika'y nariyan sa aking paligid
Tahimik na nagmamasid

'Di mo na mababawi iniwang sakit
Sa mga salitang binitiwan mo
Hindi ba't ikaw na rin ang nagpasya, nagtakda
At siyang unang umiwas
Bakit nga ba ako 'yong pinaasa?

Nahulog na'ng mga ulap
Buwan at araw, mga bituin
Ang ginugol na panaho'y na saan? (Panaho'y na saan?)
'Di ba't sayang naman? ('Di ba't sayang naman?)
Giliw, yeah, yeah, yeah, yeah

Ngunit 'di mo na mababawi iniwang sakit
Sa mga salitang binitiwan mo
Hindi ba't ikaw na rin ang nagpasya, nagtakda
At siyang unang umiwas
Bakit nga ba ako 'yong pinaasa?

Bakit nga ba ako 'yong pinaasa?


Writer(s): Rey Dilay
You May Also Like
Neocolours - "Tuloy Pa Rin" Sa wari ko'y Lumipas na ang kadiliman ng araw Dahan-dahan pang gumigising At ngayo'y babawi na Muntik na Nasanay ako sa 'king pag-iisa Kaya nang iwanan ang Bakas ng kahapon ko Tuloy pa rin ang awit...
Freestyle - "Once In A Lifetime" Been thinking bout you baby And I don't know what to do All I think about is you Seems everything around me Things I've never understood They all make sense when I'm with you. Oh, I've heard it all...
Aiza Seguerra - "Pagdating Ng Panahon" Alam kong hindi mo pansin Narito lang ako Naghihintay na mahalin Umaasa kahit di man ngayon Mapapansin mo rin Mapapansin mo rin Alam kong di mo makita Narito lang ako Hinihintay lagi kita Umaasa...
Agsunta - "Wakasan" Hindi man ikaw at ako Sa kabanatang lagi akong talo Kayo ang bida, ako ang kontrabida Sa kuwentong lagi na lang akong umaasa Mananalangin sa May-Akda Baka sakaling may magawa Ang kapalarang...
Cueshe - "Ulan" Lagi nalang umuulan Parang walang katapusan Tulad ng paghihirap ko ngayon Parang walang humpay Sa kabila ng lahat ng aking pagsisikap Na limutin ka ay di pa rin magawa Hindi naman ako tanga Alam ko...