"Makakabawi Rin" lyrics

"Makakabawi Rin"

Sa pag-unawang binigay at sa pag-intindi mo
'Di ko na kailangan ng kung ano-ano, basta't ikaw palagi nand'yan
'Wag ka ng mawawala
Hayaan mong makakabawi ako

Alam kong marami ka ng tiniis para sa akin
Mga paratang nila na halos wasakin ang tiwala mo sa akin, nagawa mong patawarin
Salamat sapagkat nakuha mo na palawakin ang pang-unawa mo
Kaya naman ngayon kapiling na kita sabihin man nila
Ako man ay alipin mo na nga
Pasensya na kung dati utak mo ay nalason nila
Ang mahalaga ngayon sa 'yo ako at sa 'kin ka na nga

Hayaan mo, makakabawi na ako sa 'yo at ng mapatunayan ko sa 'yo
Ikaw lang at walang iba
Kung gaano kita kamahal kahit na nagkamali ako noon kaya nagalit ka
Pero napatawad mo ako sa kabila ng mga kasalanan ko sa 'yo
Kahit na marami ang gumagatong sa 'yo, nalinawagan ang isip mo
Ngayon ako sa 'yo ay babawi na

Maraming salamat sa lahat ng kabutihan mo (kabutihan mo)
Sa pag-unawang binigay at sa pag-intindi mo (pag-intindi mo)
'Di ko na kailangan ng kung ano-ano, basta't ikaw palagi nand'yan
'Wag ka ng mawawala
Hayaan mong makakabawi ako

Hayaan mo na makabawi sa mga pagkakamali na nagawa sa 'yo (nagawa sa 'yo)
Oh, hayaan mo, ako'y babawi na (babawi na)
'Di ka na muli pang iiyak (iiyak)
Asahan mo ang puso mo ay hindi mabibiyak
Ano man ang dumaan sa atin ay palagi lang nandiyan
Ano man ang nagawa ko sa 'yo ay nanatili ka lang

Kaya wala ng iba pang mahihiling
Kahit papiliin ako ay ikaw pa rin (ikaw pa rin)
'Wag ka lang mawawala, 'yan ang tanging dasal ko sa buong Maykapal
Ganyan ka kamahal
Tumagal man ang panahon
Mananatili pa rin na ganun (mananatili pa rin na ganun)
Hinding-hindi na magbabago (bago)
Ikaw pa rin ang mahal ko

Maraming salamat sa lahat ng kabutihan mo (kabutihan mo)
Sa pag-unawang binigay at sa pag-intindi mo (pag-intindi mo)
'Di ko na kailangan ng kung ano-ano, basta't ikaw palagi nand'yan
'Wag ka ng mawawala
Hayaan mong makakabawi ako

Salamat sa 'yo
'Pagkat ako'y tinulungan mo
Bumangon sa lahat ng mga pagkakataon
Ako'y nadadapa (nadadapa)
Hinawakan mo't hinila ang aking kamay
Hindi mo hinayaan na ako ay malumbay
Ikaw ang nagbigay ng kasayahan sa 'king mga labi
Tinuruan mong tumawa kahit ang tadhanang madilim

Kaya naman ako'y lubos na nagpapasalamat dahil 'di mo binitawan
Kahit minsan, nagkasugat ka
Tuloy lang sa paglaban, ako sayo ay hanga kaya naman
Ang tanging ganti sa 'yo'y salamat at ako sa 'yo'y babawi
Asahan mo palagi, hindi ko sasayangin ang tiwalang binigay mo sa 'kin mas pagtitibayin
Wala akong sasayanging oras para makabawi
Sa 'yo ko lalaan ang buong buhay ko

Maraming salamat sa lahat ng kabutihan mo (kabutihan mo)
Sa pag-unawang binigay at sa pag-intindi mo (pag-intindi mo)
'Di ko na kailangan ng kung ano-ano, basta't ikaw palagi nand'yan
'Wag ka ng mawawala (ah, ah)
Hayaan mong (yo) makakabawi ako

Maraming salamat sa lahat ng kabutihan mo (kabutihan mo)
Sa pag-unawang binigay at sa pag-intindi mo (pag-intindi mo)
'Di ko na kailangan ng kung ano-ano, basta't ikaw palagi nand'yan
'Wag ka ng mawawala
Hayaan mong makakabawi rin ako (makakabawi ako)


Writer(s): Mark Ezekiel Maglasang
You May Also Like
Geo Ong - "Don Angelo" Elementarya pa lang ako na madalas na makatsyawan pagkat isa Ako sa mga walang wala sa paaralan pumapasok na walang kain May bitbit pang mga pasanin habang suot uniporme kong dalawang araw ng...
Apekz - "Pasulyap Sulyap" Gusto ko na mapasakin ka Pero hindi ko naman maamin na May gusto ako sayo kinakabahan ako Hindi ko man lang magawang biglang lumapit sa Isang katulad mo na para bang prinsesa Ang pera ko lang ay...
Shanti Dope - "Str8 Outta Condom" Ah, ah, sige, ah Pakinggan niyo ang istorya Na isa sa pinakamalakas na semilyang iniluwal sa mundong ito Brah! Araw na pinagtripan ng nakasimagot na ulap Iba't ibang umaga ang sa mata ang...
Donnalyn Bartolome - "Sabi Niya" Itanong mo pa sa mga tala Kung ikaw ba'y dapat may ialintana Sa iyo'y sasabihin nila Ika'y walang dapat ikabahala Araw-araw kitang liligawan Kahit ako'y iyong sinagot na Araw-araw kitang mamimiss...
Just Hush - "Inoj" (Yay, Oh, Ooh) Malapit nang matapos ang gabi Hinding hindi makakapayag Na di ikaw ang aking katabi Habang sumisikat na ang araw Do you wanna have fun just tell me what you're sipping on Got my eye...