"Mukang Malabo" lyrics

"Mukang Malabo"

Sa tuwing tumitingin ka, ako'y nahihiya (nahihiya)
'Di ko maibaling ang mata
Kasi mukhang malabo, ang maging tayo

Sa tuwing tumitingin ka, ako'y nahihiya (nahihiya)
'Di ko maibaling ang mata
Kasi mukhang malabo, ang maging tayo

Mahal, alam mo bang ikaw ang gusto?
Sana ay mabatid ang aking gusto
Gusto ko makasama ka
Kung mamarapatin lang, mahal, lahat ibibigay ko (ibibigay ko)

Kaso malabo na maging tayo
Panay tingin na lang ako sa 'yo sa malayo
Ano ba ang kailangan kong gawin? (gawin)
Baka sakali na iyong mapansin

Walang ibang gustong makasama
Gusto kong makayakap
Gusto kong maasawa
Walang iba kundi ikaw

Gusto kitang maisama
Iharap sa dambana
Dun tayo mangangarap at mangangako na ikaw lang

Sa tuwing tumitingin ka, ako'y nahihiya
'Di ko maibaling ang mata
Kasi mukhang malabo, ang maging tayo

Sa tuwing tumitingin ka, ako'y nahihiya
'Di ko maibaling ang mata
Kasi mukhang malabo, ang maging tayo

Kahit na alam ko na hanggang tingin lamang ako
Balang araw ay masusungkit ko din ang gintong puso mo

Kahit paano ipagpilitan, malayo sa katotohanan
Kung ang basehan ay pisikal mong katangian
Nakaw na tingin lang ang tanging kaligayahan
Dahil 'di pwede maghalo ang balat sa tinalupan

Napakalayo sa 'kin ng posibilidad
Kaya 'di ko magawa na sa hangin ipalipad
Kuntento na lang sa titig, masabihan mang duwag
Gustuhin ko man na lapitan ay napakailag

Hanggang ngayon hindi ko inakalang mangyayari
Na ang isang katulad mong sobrang gandang babae
Ay mapapasa 'kin dahil sa pagbabakasakali
Malabo na mangyari pero hindi imposible

Sa tuwing tumitingin ka (tumitingin ka), ako'y nahihiya (nahihiya)
'Di ko maibaling ang mata (maibaling ang mata)
Kasi mukhang malabo (malabo), ang maging tayo (tayo)

Sa tuwing tumitingin ka, ako'y nahihiya (nahihiya)
'Di ko maibaling ang mata
Kasi mukhang malabo, ang maging tayo (tayo)

Matagumpay kong nakamit ang matamis mong oo
Yo, yo, sa wakas ay natupad ang siyang pangarap ko
Dahil ngayon, dahil ngayon (na maging tayo)
Hawak ko na ang dating tanaw ko lang at silip
Abot-kamay man ay 'di mahawakan, parang langit

Ang isang dalagang sing kinang ng tala
Na sa una'y 'di akalang simple lang
Kaya 'di ko sinimplehan, aking diskarte'y itinodo
At 'di na dumipende sa magulang mong deboto

Sa 'king pagmamahal at pagnanais sa iyo
Mukha man na tanga 'pag dumalaw sa inyo
Pero 'di inaasahang ang lahat ng ito'y nagbunga
Nagtiwala sa sarili, nawala ang pagdududa
Na mapasa 'kin ka na dati lamang na pangarap
Naging malinaw ang malabo ng ika'y mayakap

Sa tuwing tumitingin ka (tumitingin ka), ako'y nahihiya (nahihiya)
'Di ko maibaling ang mata
Kasi mukhang malabo (malabo), ang maging tayo (tayo)

Sa tuwing tumitingin ka (tumitingin ka), ako'y nahihiya (nahihiya)
'Di ko maibaling ang mata
Kasi mukhang malabo (malabo), ang maging tayo (tayo)


Writer(s): Mark Ezekiel Maglasang
You May Also Like
Eraserheads - "Pare Ko" O pare ko..meron akong problema.. Wag mong sabihing na naman.. In love ako sa isang kolehiyala.. Hindi ko maintindihan.. Wag na nating idaan..sa "ma-boteng" usapan.. Lalo lang madaragdagan.. ang...
Jr Crown, Thome & Kath - "Kahit Ganyan Ka" Alam mo kahit ganyan ka Ay mahal parin kita (mahal parin kita) Alam mo kahit ganyan ka Ay wala na ngang ibang Pwedeng pumalit sayo Kaya wag ka nang magtampo Lika dito ka sa tabi ko Dahil di ako...
Just Hush - "Maikee's Letters" Bakit ang daming sinasabi ng mga tao sa paligid? Kesyo 'di raw tayo bagay, lumayo ka na Ako daw ay sinungaling, lolokohin ka Iiwanan 'pag nakuha na ang gusto niya Sana lang ay 'wag kang makinig sa...
Apekz - "Arangkada" Wag mo pilitin na isipin na walang pag-asa Pagkat meron pa yan Tingnan mo yung karamihan na meron pasan Daig pa ang kuba pero di nagpapahalata Sila pang magtatanong kung nakakain ka na Namamagang mga...
Smugglaz - "N.N. N. (Ngayon Nauna Na)" Ngayong nauna na, ngayong nauna na Ngayong nauna na-na-na-na-na Ngayong nauna na, ngayong nauna na Ngayong nauna na-na-na-na-na Ngayong nauna na ako Nauna na magaalaga sayo Ay 'wag mo nang hayaaang...