"Kumpisal" lyrics

Gloc-9 & Skusta Clee Lyrics

"Kumpisal"

[Skusta Clee:]
Sa dami ng beses na ika'y tinawag
Para lang humingi sa'yo ng patawad
Kaya naman paulit-ulit ko itong binabalikan
Dahil sa pangako mong pagmamahal
Na walang hanggan
Pagpalain mo akong muli
Aakayin ng walang atubili
'Di bibilangin ang pagkakamali
Patawarin mo akong muli

[Gloc-9:]
Bakit naparito ka anak?
Ako po ay nagkasala
Kapatawaran mo ay tiyak
Sa'kin ika'y maniwala
Kita mo naman ako'y tapat para sa iyong pagpapala
Kahit itanong mo sa kanya
Mga mata ko ay dilat sa mga maling akala
'Di nakikita kahit mulat ang mga pangdaraya
Ang kasamaan ba'y may ugat
Sino ba ang may sala?
Hindi ako 'yung nagsabi niyan

[Skusta Clee:]
Sa dami ng beses na ika'y tinawag
Para lang humingi sa'yo ng patawad
Kaya naman paulit-ulit ko itong binabalikan
Dahil sa pangako mong pagmamahal
Na walang hanggan
Pagpalain mo akong muli
Aakayin ng walang atubili
'Di bibilangin ang pagkakamali
Patawarin mo akong muli

Ilan pong "Ama Namin"? (Ohh)
Ilang "Aba Ginoong Maria"?
Ngunit nang aking silipin (Ohh)
Hindi si "Padre" ang aking nakita

[Gloc-9:]
Ang tagal-tagal ko nang gustong magsalita
Para 'di na 'yung mga maling gawa-gawa
Hindi kasi ginagamot kaya namamaga
Ang gabutil noon, ngayon ay malala
Sinabi ko daw ito at ginawa ko 'yan
Nagpakita daw ako sa mga iilan
'Pag hiningan ka ng pera, 'wag maniwala d'yan
'Di mo kilala ang tao na napagkamalan
Basta't tandaan mo lang ang sasabihin ko
'Di 'yung pilit na ipinapagawa sa'yo
Sa dami ng sumusumpa sa mundong ito
Alam ko na mahirap hanapin ang totoo
Kung tutuusin ay isa lamang ang kasalanan
Pagnanakaw napakaraming magagawa d'yan
Nakawin ang totoo, kasinungalingan
Ninanakaw ang dangal ng kababaihan
Pwedeng nakawin ang puso ng nagmamahal
Nakawin ang oras mo sa minamahal
Nakawan ang respeto kahit ang hangal
'Pag ninakaw ang buhay, gilitin ang punyal
O kahit ano pa 'yan, basta kinuha mo (Kinuha mo)
Ang kahit kapirasong saya na hindi sa'yo (Hindi sa'yo)
'Wag mong kalimutan 'to, uulitin ko
Kasi napipikon ako sa mga gawi mo
Hindi ka pwedeng mabait sa mga mayayaman
Pero ang mga mahirap ay tinatapakan
Upang magmukhang tuwid lahat binabasahan
Pero ang kanyang katulong ay binabasahan
Kilala ko naman lahat ng mga bulaan
Kahit na umilag ka ay tinatamaan
Para lang mapagtakpan ang mga kasalanan
Palagi mong isinisigaw ang aking pangalan (Aking pangalan)

[Skusta Clee:]
Kaya naman paulit-ulit ko itong binabalikan
Dahil sa pangako mong pagmamahal
Na walang hanggan
Pagpalain mo akong muli
Aakayin ng walang atubili
'Di bibilangin ang pagkakamali
Patawarin mo akong muli


Thanks to Kastino for correcting these lyrics.
You May Also Like
Imago - "Sundo" Kay tagal kong sinusuyod Ang buong mundo Para hanapin Para hanapin ka Nilibot ang distrito Ng iyong lumbay Pupulutin, pupulutin ka Sinusundo kita Sinusundo... Asahan mong mula ngayon Pag-ibig ko'y...
Orange & Lemons - "Yakap Sa Dilim" Sandal mo sana ang ulo mo sa unan Katawan mo ay aking kukumutan Mga problema'y iyong malilimutan Habang tayo'y magkayakap sa dilim Huwag mong pigilin kung nais mapaluha Pakiramdam mo sana'y...
MYMP - "For All Of My Life" Come and lay here beside me I'll tell you how I feel There's a secret inside me I'm ready to reveal To have you close embrace your heart With my love Over and over These are things that I...
6cyclemind - "Prinsesa" Nakaupo s'ya sa isang madilim na sulok Ewan ko ba kung bakit Sa libu-libong babaeng nandoon Wala pang isang minuto Nahulog na ang loob ko sayo Gusto ko sanang marinig ang tinig mo Umasa na rin na...
Sarah Geronimo - "Very Special Love" I never believed in love I was decieved by love I never had much luck with lovers before... And I couldn't compete I seemed just part of the street To be walked on by everyone but then Then, I...